Dawn Zulueta, pinuri ang acting sa Family History; Michael V, pasado ang directorial debut

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2019
Dawn Zulueta, hindi agad tinanggap ang role bilang leading lady ni Michael V sa Family History.
PHOTO/S: Noel Orsal

Now it can be told.

Hindi kaagad tinanggap ni Dawn Zulueta sa unang tawag sa kanya sa telepono ang alok na maging leading lady ni Michael V. sa Family History.

Ang Family History ang comeback movie ng GMA Pictures, ang film company ng GMA Network Inc.

Nevertheless, hindi nagkamali si Dawn na tanggapin ang role bilang asawa ni Michael V. sa pelikula.

Pinupuri ang fine performance niya sa pelikula na puwedeng maging dahilan para magkaroon siya ng acting nominations sa susunod na taon.

Ang Family History ang movie directorial debut ni Michael V. kaya sinuportahan ng production staff ng Pepito Manaloto at ng Bubble Gang ang red-carpet premiere na ginanap sa SM Megamall Cinema 2 and 3 noong Martes, July 23.

Pasado si Michael sa unang attempt niya sa moviemaking dahil sa kakaibang atake na kanyang ipinakita sa bawat eksena.

Kung matalas ang mata ng moviegoers, mapapansin nila ang pagbabago ng kulay ng screen sa eksenang ipinagtatapat ng doktor na ginagampanan ni Dingdong Dantes ang tunay na kalagayan ng karakter ni Dawn.

Continue reading below ↓

Dahan-dahan ding nagbago ang hitsura ni Michael V. na mula sa pagiging clean cut, nagkaroon ng bigote at balbas dahil sa mga pagsubok na pinagdaraanan ng relasyon nila ni Dawn.

Muling bumalik sa dati ang hitsura ni Michael V. nang makilala niya ang karakter ni Ina Feleo dahil nagkaroon siya ng bagong pag-asa sa buhay.

Magugustuhan din ng mga nagpaplanong manood ng Family History ang animation techniques na ginamit ni Michael V. sa cameo appearance ni Eugene Domingo at sa eksenang umuwi siya ng bahay, pumasok sa kanyang art studio, at na-imagine niya ang sikreto ni Dawn na may kinalaman sa remarkable number 46.

Ang dialogue naman ni Nonie Buencamino sa Family History ang nagpaalaala sa amin sa favorite line ni John Lloyd sa 2013 blockbuster movie nila ni Sarah Geronimo sa Star Cinema, ang It Takes A Man and A Woman.

Sa ginanap na presscon noon ng pelikula, sinabi ni John Lloyd na pinakapaborito at nagmarka sa kanya ang dialogue ni Dante Rivero na gumanap na tatay niya.

Continue reading below ↓

"Madalas sa kagustuhan natin na maging pinakamagaling, nakakalimutan natin na maging mabuti," ang unforgettable line ni Dante sa It Takes A Man and A Woman.

Hindi ito nalalayo sa "Minsan, mas mabuting maging mabait kesa maging maging tama," ang salita na binitiwan ng karakter ni Nonie para kay Michael V. sa isang eksena ng Family History.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Zulueta, hindi agad tinanggap ang role bilang leading lady ni Michael V sa Family History.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results