Saan gaganapin ang 40th anniversary ng Eat Bulaga?

by Jojo Gabinete
Jul 25, 2019
Hindi binanggit sa teaser plug ng 40th anniversary presentation ng Eat Bulaga! ang venue na pagdadausan nito.

Ipagdiriwang ng Eat Bulaga! ang 40th anniversary ng programa sa Sabado, July 27.

Pero hindi binanggit sa teaser plug ang exact venue ng selebrasyon kaya marami ang naiintriga.

Hindi nagbigay ng clue ang Eat Bulaga! sa teaser plug na inilabas nila, ilang oras na ang nakalilipas.

Sinabi lang ng voice-over announcer na: "Sa loob ng 40 years, pinuno natin ng tuwa’t saya ang pinakamalalaking entablado sa loob at labas ng bansa.

"Ngayong Sabado, ngayon niyo lang kami makikita sa pinakamahalagang lugar kung saan hindi pa kami nagsasama-sama.

"Ngayon lang mangyayari in 40 years!!"

Kasabay nito ang pagpapakita ng video footage ng mga lugar na pinagtanghalan ng Eat Bulaga—ang Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena, New Frontier Theater, Aliw Theater, Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Clark Centennial Expo ng Pampanga, Philippine Sports Arena ng Bulacan, L.A. Sports Arena sa Los Angeles, California, Abu Dhabi National Theatre, Chater Garden sa Hong Kong, Nagoya Civic Hall sa Japan, D’Marquess Pasir Ris ng Singapore, at Sony Center for the Performing Arts ng Canada.

Continue reading below ↓

Kanya-kanya ng hula ang solid at loyal viewers ng Eat Bulaga.

Malakas ang kanilang hinala na ang Quirino Grandstand sa Maynila ang possible venue ng 40th anniversary celebration ng longest-running noontime show ng bansa dahil sa hint na makasaysayan ang lugar na pagdarausan.

May nagparating sa Cabinet Files na hindi magaganap sa Quirino Grandstand ang 40th anniversary presentation ng Eat Bulaga! dahil mangyayari ito sa isang sports complex sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Pero mas makabubuti pa ring panoorin ang kanilang special show sa Sabado para sa tumpak na kasagutan sa blind-item teaser ng programa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi binanggit sa teaser plug ng 40th anniversary presentation ng Eat Bulaga! ang venue na pagdadausan nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results