Jennylyn Mercado, loyal Kapuso pa rin!

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2019
Jennylyn Mercado on being a Kapuso: "Yung pagmamahal nila lahat sa akin, talagang hindi nawala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-renew si Jennylyn Mercado ng kanyang exclusive contract sa GMA Network Inc. ngayong hapon, July 26.

Pero pinili niyang huwag sabihin kung hanggang kailan ang bisa ng kanilang kasunduan.

"Hindi po puwedeng sabihin, confidential po, pero masasagot ko ‘yan, forever naman akong Kapuso," pahayag ni Jennylyn.

Pero tulad ng mga nakaraan na taon, naging emosyonal si Jennylyn dahil sa kaligayahan na nararamdaman dahil sa patuloy na pagtitiwala ng home studio niya sa kanyang kakayahan.

Nagsimulang pumatak ang luha ni Jennylyn habang pinapanood nito ang audio visual presentation na inihanda ng GMA-7 at nang marinig niya ang mga encouraging word mula sa kanyang kapwa artista at mga executive ng Kapuso Network.

"Sixteen years na ups and down, 16 years na sa lahat ng mga pinagdaanan ko, nung mga times na hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik at kung kaya ko pa bang humarap ulit sa mga tao.

"Yung sixteen years na yun na nasa GMA ako, dun ko napatunayan na hindi lang nila ako tinrato as an artist, tinrato nila ako na parang anak, na parang pamilya.

Continue reading below ↓

"Na yung pagmamahal nila lahat sa akin, talagang hindi nawala.

"Sa lahat ng mga moments na akala ko, hindi na ako makakabalik ako nung nabuntis ako.

"Nung nagkaroon ako ng anak, tinanggap nila uli ako nang maluwag.

"Tinanggap nila ako nang buong-buo at hindi nila ako pinabayaan hanggang sa makarating ako dito, kung nasaan ako ngayon," emosyonal na sabi ni Jennylyn.

Bukod sa hindi niya pagsisiwalat sa bisa ng kanyang bagong kontrata sa GMA 7, hindi kinumpirma ni Jennylyn kung siya ang lead actress sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Hindi rin siya sigurado kung para sa 45th Metro Manila Film Festival sa December 2019 ang pelikula na ginagawa nila nina Coco Martin at Ai-Ai delas Alas na may working title na Tripol Trobol.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on being a Kapuso: "Yung pagmamahal nila lahat sa akin, talagang hindi nawala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results