Gerald Anderson, inaakusahan ng "ghosting" dahil sa ginawa niya kay Bea Alonzo

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2019
Dahil sa pagsasalita ni Bea Alonzo, matitinding banat ngayon ang nararanasan ni Gerald Anderson mula sa mga sumusuporta sa aktres.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang rebelasyon ni Bea Alonzo na basta na lamang siya hindi kinausap ni Gerald Anderson at ang paniniwala niyang hindi pa sila hiwalay ang muling nagpasiklab sa damdamin ng mga taong nakikisimpatiya sa kanya.

Muling binabanatan ngayon si Gerald sa pamamagitan ng mga masasakit na salita na mas matitindi kung ikukumpara sa mga komento ng unang araw na nag-post si Bea ng cryptic statement tungkol sa pagkakamali.

Inakusahan si Gerald ng "ghosting (the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication)" dahil sa pagputol niya ng komunikasyon sa kanyang (ex?) girlfriend.

Dahil sa matter-of-factly statement ni Bea (hell hath no fury like a woman scorned) sa story conference ng bagong drama series niya sa ABS-CBN, triple ang mga below- the belt na paratang laban kay Gerald ng sympathizers ng aktres.

Nakadagdag sa galit ng mga kumakampi kay Bea ang haka-haka ng supporters nina Gerald at Julia na may kinalaman siya sa mga dummy account na biglang lumitaw, kinokondena sina Gerald at Julia at nila-like niya.

Continue reading below ↓

Literal na minumura at dinudurog nang husto ng bashers ang pagkatao ni Gerald, na nananatiling tahimik sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila nina Bea at Julia Barretto.

Kahit hindi magsalita si Bea ng masasakit laban kay Gerald, sapat na ang kanyang mga binitiwang pahayag para mag-rebolusyon ang mga sympathizer niya.

Ang mga nakikisimpatiya kay Bea ang gumaganti kay Gerald sa pamamagitan ng mga hurtful comment sa Instagram account ng aktor, na imposibleng hindi nasasaktan dahil mahirap lunukin ang mga malulutong na mura na ipinapatikim sa kanya ng bashers at haters niya.

Pinatawan na rin si Gerald ng sentensiya ng haters na nagsabing katapusan na ng kanyang showbiz career dahil sa pang-iiwan sa ere na ginawa niya kay Bea.

Read Next
Read More Stories About
Gerald Anderson, Bea Alonzo
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa pagsasalita ni Bea Alonzo, matitinding banat ngayon ang nararanasan ni Gerald Anderson mula sa mga sumusuporta sa aktres.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results