Pinay beauty queen, kinoronahang Mrs. International Universal 2019

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2019
Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 Patricia Javier with Mrs. International Universal 2019 Lovely Gervacio Tajan.
PHOTO/S: Patricia Javier / Instagram

Si Patricia Javier ang nagbalita sa Cabinet Files na nanalo si Lovely Gervacio Tajan ng Pilipinas ng beauty title na Mrs. International Universal 2019 sa Mrs. International Global.

Ginanap ang pageant night sa Encore Melaka Performance Art Theatre sa Melacca, Malaysia, noong Linggo, July 28.

Bukod sa Mrs. International Universal 2019 crown, nakuha ni Lovely ang special award na Mrs. Most Beauty.

Si Lovely ang official representative ng Pilipinas sa Mrs. International Global.

Noong Sabado, July 27, lumipad si Patricia sa Malaysia para suportahan ang kandidatura ni Lovely.

Sinamantala rin ni Patricia ang pagkakataong mag-obserba sa isang international beauty contest para sa mga misis dahil sa November 2019, siya naman ang lalaban sa Mrs. Universe 2019 na magaganap sa California, USA.

Si Patricia ang reigning Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019.

Matagal na niyang pinaghahandaan ang kanyang pagsabak sa nabanggit na beauty pageant.

At the same time, nagpapasalamat siya dahil sa California at hindi na sa Europe ang venue ng coronation night ng Mrs. Universe 2019.

Continue reading below ↓

Higit na at home si Patricia sa California dahil matagal silang nanirahan ng kanyang pamilya sa San Diego bago nila napagdesisyunan ng asawa niyang maging permanent residents ng Pilipinas.

Nakatitiyak si Patricia na marami sa mga kababayan natin sa Amerika ang susuporta sa paglaban niya sa Mrs. Universe 2019.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 Patricia Javier with Mrs. International Universal 2019 Lovely Gervacio Tajan.
PHOTO/S: Patricia Javier / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results