Eat Bulaga, magkakaroon na ng franchise sa Myanmar

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2019
Platform Media and Management Broadcasting Company founder Captain Aung Po with Eat Bulaga! hosts Vic Sotto and Joey de Leon.

Ngayong araw, July30, ang actual 40th year anniversary ng Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show sa Philippine television history .

Nag-umpisa ang Eat Bulaga! noong July 30, 1979 sa RPN 9.

Matapos mapanood ng anim na taon sa ABS-CBN, nakahanap ito ng tahanan sa GMA-7 noong 1995 hanggang sa kasalukuyan.

Ang pagkakaroon ng franchise sa Myanmar ang isa mga big announcement sa 40th anniversary live presentation ng Eat Bulaga.

Kinumpirma ito ni Platform Media and Management Broadcasting Company founder Captain Aung Po sa guesting nito ngayong tanghali sa noontime show ng GMA-7.

Sinabi ni Po na mga agricultural at news programs ang mga napapanood sa Myanmar television kaya sabik ang kanyang mga kababayan sa mga variety show na tulad ng Eat Bulaga.

Isang piloto si Pong na nagkuwento na apat na taon na ang nakararaan, may nakausap siyang Pilipino at nagsabi sa kanyang ang Eat Bulaga! ang “ puso” ng Pilipinas.

"Eat Bulaga! is not a normal show like we thought," sabi ni Pong.

Continue reading below ↓

Napatunayan daw niyang kind-hearted at maraming natutulungan ang programa.

Ipinagtapat din ni Pong na muntik na siyang mag-back out sa meeting nila ng mga executive ng Eat Bulaga! nang ma-realize niya nang "huge" ang programa.

Ayon naman sa TAPE Inc. executive na si Malou Choa-Fagar, hindi pa tiyak kung kailan mag-uumpisa ang Eat Bulaga Myanmar, pero nagsimula nang mag-training sa Pilipinas ang Mynmar staff.

Noong July 2012, nagkaroon din ng Eat Bulaga! franchise sa Indonesia at nagtagal ito hanggang August 2016.

Read Next
Read More Stories About
eat bulaga, eat bulaga myanmar
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Platform Media and Management Broadcasting Company founder Captain Aung Po with Eat Bulaga! hosts Vic Sotto and Joey de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results