Rivalry nina Ryan Bang at Jinho Bae sa It's Showtime, biruan o totohanan?

by Jojo Gabinete
Jul 30, 2019
Pinararatangan ng ilang viewers si Ryan Bang na bully dahil sa offensive words na sinasabi at pananabunot niya kay Jinho Bae sa It's Showtime.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Scripted man o hindi, hindi nagugustuhan ng ilang viewers ng It’s Showtime ang treatment ni Ryan Bang kay Jinho Bae, ang kapwa niya Korean na napansin nang sumali sa "KapareWho" segment ng noontime show ng ABS-CBN.

Pinararatangan si Ryan na bully dahil sa offensive words na sinasabi at pananabunot niya kay Jinho Bae sa tuwing pinagkukumpara sila ni Vice Ganda at ng ibang mga host ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Mula nang maging contestant si Jinho sa "KapareWho," naging madalas ang paglabas niya sa It’s Showtime dahil nag-click sa studio audience at televiewers ang pagtataray, pagseselos ni Ryan sa kanya.

Ang pagsali niya sa contest ng It’s Showtime ang instrumento kaya unti-unti nang natutupad ang pangarap ni Jinho na maging entertainment personality sa Pilipinas tulad ni Ryan, na itinuturing niyang forever inspiration.

In fact, sa tuwing may guesting siya sa It’s Showtime, hindi nakakaligtaan ni Jinho na i-tag si Ryan sa kanyang mga social media post.

View this post on Instagram

If di madaan sa santong tawanan, daanin sa santong sipaan? Laughtrip din tong dalawang oppa na ito eh. #ShowtimeBetNaBetFriends

A post shared by It's Showtime (@itsshowtimena) on

Scripted man o hindi, hindi nakakatulong kay Ryan ang pagiging antipatiko at pikon niya kay Jinho dahil lalong napapansin ng publiko na mas talented at witty ang bagong Korean discovery ng It’s Showtime.

Ito ay kahit consistent naman si Jinho sa pagsasabing biruan lamang ang "rivalry" nila ng kanyang kababayan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinararatangan ng ilang viewers si Ryan Bang na bully dahil sa offensive words na sinasabi at pananabunot niya kay Jinho Bae sa It's Showtime.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results