Vice Ganda, nag-Bea Alonzo movie marathon bilang suporta sa aktres

by Jojo Gabinete
Jul 31, 2019
"Mahal ko siya," deklara ni Vice Ganda (kanan) tungkol kay Bea Alonzo (kaliwa).
PHOTO/S: Mark Atienza / Nikko Tuazon

Si Vice Ganda ang karagdagan sa listahan ng mga artistang nagpahayag ng suporta kay Bea Alonzo.

Pero ginawa ito ni Vice sa paraang hindi siya puwedeng akusahang nakikisawsaw sa personal na pangyayari sa buhay ng aktres, na biktima ng "ghosting" dahil bigla na lamang iniwanan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa episode ng It’s Showtime ngayong tanghali, July 31, ikinuwento ni Vice na nag-Bea marathon siya dahil pinanood niya sa Netflix kagabi, July 30, ang lahat ng mga pelikula ng aktres.

"Mahal ko siya," sabi ni Vice, na binigyan ng kahulugan ng mga tao na salita ng pakikisimpatiya niya kay Bea.

Meanwhile, nababahala naman ang mga supporter nina Gerald at Julia Barretto dahil sampung araw na ang nakalilipas mula nang mag-post si Bea ng cryptic message na naging dahilan para husgahan ng mga tao ang kanilang mga hinahangaang artista.

Pero hanggang ngayon ay walang official statement na inilalabas tungkol sa kontrobersiya ang talent management agency na namamahala sa mga showbiz career ng tatlo.

Continue reading below ↓

Tiyak na hindi naman magugustuhan ng mga nakikisimpatiya kay Bea ang hinala ng mga tao sa paligid nina Gerald at Julia na may kinalaman ang aktres sa mga social media account na biglang nagsulputan at kumukondena sa kanyang ex-boyfriend at sa former co-star niya sa A Love To Last, ang defunct drama series ni Bea sa ABS-CBN, mula nang maglabas siya ng cryptic post sa Instagram.

Nagkasama sina Bea at Julia sa A Love To Last at ang video clip ng isang eksena nila ang ginamit na meme ng netizens tungkol sa kontrobersiya na kanilang kinasasangkutan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mahal ko siya," deklara ni Vice Ganda (kanan) tungkol kay Bea Alonzo (kaliwa).
PHOTO/S: Mark Atienza / Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results