PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kampo ni Ryza Cenon, itinanggi ang pagmamahadera ng aktres

Ryza Cenon, laman ng blind item at mga negatibong balita.
by Jojo Gabinete
Published Aug 1, 2019
PHOTO/S: Instagram

Magkakasunod na araw lumabas ang mga blind item at negative news tungkol kay Ryza Cenon kaya nagduda ang mga tao sa paligid niya na sinadya at may concerted effort na siraan ang aktres.

Ang diumano’y pagmamahadera sa kampanya ng Ang Probinsyano party-list noong mid-term elections ang isa sa mga ibinibintang kay Ryza.

Pinabulaanan ito ng isang taong malapit sa aktres at nakakaalam sa buong katotohanan.

Sinabi ng tagapagtanggol ni Ryza na may mga hiniling ang campaign organizer ng Ang Probinsyano na hindi nagawa ng aktres dahil sinunod lamang nito ang mga napagkasunduan sa kontrata at ang mahigpit na bilin ng namamahala sa kanyang career.

Kung may additional request ang campaign organizer, ang manager ni Ryza at hindi ang aktres ang dapat na kinausap nila.

Nanalo sa nakaraang mid-term elections ang Ang Probinsyano, pero nadungisan ang pangalan nito dahil sa pananakit ng party-list representative na si Alfred delos Santos sa waiter na si Christian Kent Alejo sa insidenteng nangyari sa Legazpi City noong July 7, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanggi rin ng defender ni Ryza ang imbento na balita na nangangarap ang aktres na magbida sa teleserye kaya lumipat siya sa ABS-CBN.

Hindi raw nag-iilusyon si Ryza na maging lead actress sa isang TV series dahil kuntento na siya na hindi nawawalan ng mga assignment sa telebisyon at pelikula.

Ang maipagpatayo ng sariling bahay ang kanyang pamilya ang main goal ngayon ni Ryza kaya puro trabaho ang pinag-aaksayahan niya ng panahon.

As a matter of fact, nakabili na raw si Ryza ng lote na plano niyang patayuan ng kanyang dream house.

Nalulungkot ang mga concerned friend ni Ryza sa magkakasunod na paninira sa kanya dahil kung kailan nananahimik siya, saka binubuhay ang mga isyung hindi totoo at napaglipasan na ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results