Senator Bong Revilla, nakapag-file na ng 110 bills mula nang bumalik sa Senado

IMAGE Bong Revilla's Facebook
Kabilang sa bill na nai-file ni Senator Bong Revilla ay ang Eddie Garcia Law.

True to his promise, ibinigay ni Senator Bong Revilla Jr. ang kanyang 100 percent sa unang buwan ng paglilingkod bilang elected senator.

Masayang ibinalita ni Revilla na mula nang makabalik siya noong July 1 sa dating puwesto, nakapag-file siya ng 110 bills sa first regular session ng 18th Congress.

"Matapos ang aking unang isang buwan sa opisina, narito na ang ating mga naihaing panukalang batas.

"Umpisa pa lang po ‘yan, asahan niyong patuloy tayong gagawa ng mga makabuluhang batas para sa inyo at para sa ating bansa," mensahe ni Revilla sa sambayanang Pilipino.

Ang Senate Bill 294 o ang Eddie Garcia Law (An act providing for occupational safety and health standards for the workers and talents in the movie and television industry), Senate Bill 71  An act providing for a P125 daily across-the-board increase in the salary rates of employees and workers in the private sector and for other purposes), Senate Bill 72 (An act lowering the mandatory and optional retirement age of government employees), Senate Bill 303 (An act granting 15 days of paid leave a year to employess whose spouse, parent, unmarried child,or when they themselves are suffering from serious illness), Senate Bill 298 (An act requiring all national, regional and provincial government hospitals to establish, operate and maintain a dialysis ward or unit in their respective hospital and providing free dialysis treatment to indigent patients), at Senate Bill 457 (An act declaring January 22 of every year as a special working holiday to be known as National Farmer’s Day) ang anim sa 110 panukalang isinusulong ni Bong sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang senatorial candidacy ni Bong ang isa sa pinakamaingay sa mid-term elections noong May 2019 dahil binatikos nang husto ang kanyang Budot campaign, pero nakatulong ito para pag-usapan siya at muling iboto bilang mambabatas.

Ngayong senador na uli siya, tinupad ni Bong ang pangakong gagawin ang lahat para maipakita sa mga supporter niyang hindi sila nagkamali sa pagboto sa kanya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close