Matteo Guidicelli, hindi pa kinukumpirma kung siya ang gaganap bilang Pedro Penduko

IMAGE Instagram
Matteo Guidicelli on Pedro Penduko: "This is a superhero in the Philippines na talagang bigating superhero, I’ll be open to doing a project like this."

May balitang malaki ang posibilidad na si Matteo Guidicelli ang ipalit kay James Reid bilang bida ng Pedro Penduko.

Pero walang kumpirmasyon mula kay Matteo nang makausap siya ng Cabinet Files sa unang araw ng Viva Convention sa World Trade Center, Pasay City, kahapon, August 3.

Two months ago, naglabas ng official statement ang Viva Films tungkol sa desisyon ni James na mag-back out sa Pedro Penduko dahil sa spinal injury niya.

Since then, naging pahulaan kung sino ang ipapalit kay James, hanggang lumutang ang pangalan ni Matteo.

Handang-handa naman daw si Matteo na tanggapin ang role kapag inialok sa kanya.

Saad niya, “It will be a great project, of course, this is a superhero in the Philippines na talagang bigating superhero, I’ll be open to doing a project like this.

“I’ll be very, very happy to portray Pedro Penduko.

"Siyempre kailangan pa din ng training dahil iba yung characteristics ni Pedro Penduko, it's Kali, it would be nice if I represent Filipino martial arts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Kali ay Filipino martial arts na gumagamit ng sword at stick. 

Wala pang sinasabi sa iyo ang Viva?

"Wala pa," sagot ni Matteo.

"We’re going through different meetings, let’s see for the confirmation, if ever that would be a good project and a big blessing."

SCOUT RANGER TRAINING

Ipinakita sa Viva Convention ang teaser ng documentary movie ng Scout Ranger training ni Matteo.

For the first time, nakita ng publiko ang pag-iyak ni Matteo dahil sa mga hirap na pinagdaanan niya at ang pangungulila sa kanyang mga mahal sa buhay.

Sa isang eksena, sinabi ni Matteo na, "I miss my family. I miss my girlfriend. I miss my dog."

Nang tanungin tungkol sa kanyang Scout Ranger training, walang bakas ng pagsisisi na nagsalita si Matteo ng "It was the best experience of my life."

In fact, kasama sa susunod na plano ni Matteo ang airborne training.

"Different training naman. Plano ko, in the future, gusto ko sana airborne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung scout ranger orientation course, kumbaga, tapos na.

"Pero marami pang ibang training sa Army na kung libre [ang schedule], sasali ako."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close