Sarah, Dingdong, Xian, at Aga tampok sa upcoming movies ng Viva Films ngayong 2019

IMAGE Jojo Gabinete
Magaganap ang Viva Convention sa World Trade Center, Pasay City, hanggang ngayong Linggo ng gabi, 10 P.M., August 4.

Sa kabila ng masungit na panahon kahapon, August 3, dinagsa ng fans, aspiring stars, at aspiring writers ang unang araw ng Viva Convention.

Magaganap ang Viva Convention sa World Trade Center, Pasay City, hanggang ngayong Linggo ng gabi, 10 P.M., August 4.

Mahaba ang pila sa audition ng Viva Artists Agency at Viva Records para sa mga nangangarap maging artista at singer, respectively.

SRO ang workshop para sa aspiring scriptwriters na hindi naubusan ng mga tanong sa guest speaker na si Bela Padilla.

Isa sa mga main attraction ang booth ng pre-loved clothes ni Anne Curtis na ibinebenta sa murang halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May book signing sa booth ng VRJ Publishing Inc. ang celebrity authors tulad ni Mark Bautista.

Makikita sa photo booth ng Miss Granny ang mga costume na ginamit ni Sarah Geronimo sa Philippine adaptation ng blockbuster Korean movie.

UPCOMING VIVA MOVIES

Nakalagay rin sa photo booth ng Miss Granny ang posters ng upcoming movies ng Viva Films, kaya nalaman naming Because You Love Me at hindi na Unforgettable ang pamagat ng bagong pelikula ni Sarah na may playdate sa October 23, 2019.

Ipalalabas naman sa September 25 ang A Hard Day, ang Tagalog version ng Korean movie na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Viva Films ang producer ng Nuuk, ang psycho-thriller film na tinatampukan nina Aga Muhlach at Alice Dixson.

Kinunan sa Greenland, Denmark ang mga eksena ng Nuuk na may playdate sa October 9, 2019.

Sa October 30 ang showing sa mga sinehan ng Nightshift, ang horror movie ni Yam Laranas.

Si Yam Concepcion ang lead actress ng Nightshift.

Tungkol sa same-sex relationship ang kuwento ng Adan, ang pelikula nina Cindy Miranda at Rhen Escano na may cinema playdate sa December.

Sa December 11 ang judgment day para sa Jowable, ang launching movie ni Kim Molina.

Dalawang pelikula ni Xian Lim ang mapapanood sa mga sinehan sa November—ang Love the Way You Lie (November 6) at Untrue (November 20).

Si Alex Gonzaga ang leading lady ni Xian sa Love the Way You Lie at si Cristine Reyes ang kapareha niya sa Untrue.

STAR-STUDDED CONVENTION

Star-studded ang first day ng Viva Convention dahil sa presence ng cast ng Indak sa pangunguna nina Nadine Lustre, Race Matias, Nicole Omillo, Julian Trono, at Vitto Marquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-perform din sina Matteo Guidicelli, Ryza Cenon, Meg Imperial, Dennis Padilla, Janno Gibbs, Mark Bautista, Alonzo Muhlach, Sofia Romualdez, at ang original members ng Viva Hot Babes.

Ngayong hapon, August 4, sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, at Xian Lim ang ilan sa mga Viva contract stars na dadalo sa ikalawang araw ng Viva Convention.

Magaganap din ngayong gabi ang pagbibigay ng parangal kay Sharon Cuneta bilang unang recipient ng Viva Icon Award.

Gagawaran din ng posthumous award ang namayapang aktor na si Eddie Garcia.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close