Dennis Padilla, tumangging magpainterbyu tungkol sa Bea-Gerald-Julia controversy

IMAGE Viva Films Instagram
Tumanggi ang comedian na si Dennis Padilla na magsalita tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Julia Barretto sa isyu ng breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Hindi nagtagumpay ang mga reporter na naghintay sa pagdating ni Dennis Padilla sa 1st Viva Convention sa World Trade Center kahapon, August 3.

Tumanggi ang comedian na magsalita tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Julia Barretto sa isyu ng breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Board member si Dennis ng MTRCB kaya pinili nitong magkuwento tungkol sa Family History dahil gandang-ganda siya sa pelikula ni Michael V na ni-review niya.

Si Dennis din ang isa sa mga nag-review sa Indak, ang dance movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 7.

Pinupuri ni Dennis ang visuals ng pelikula at ang mga eksena na ginastusan nang husto.

Sa kabila ng pagtanggi niyang magsalita tungkol sa Julia-Gerald-Bea controversy, umaasa ang mga reporter na magbabago ang isip ni Dennis at babasagin nito ang katahimikan sa upcoming presscons ng mga comedy movie niya.

Kabilang na rito ang And Ai Thank You ng Reality Entertainment na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas na ipalalabas sa mga sinehan sa August 14, at ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na may playdate sa September 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ang huling pelikula na ginawa ni Eddie Garcia bago ito binawian ng buhay noong June 20.

Ayon kay Dennis, sila ang magkasama sa eksena ng legendary actor, ilang linggo bago nangyari ang freak accident sa set ng shelved television series ng GMA-7.

Incidentally, kahit hindi nagpainterbyu si Dennis, hindi nito itinanggi ang report ng PEP.ph noong July 23 tungkol sa phone call sa kanya ni Gerald.

Gusto lang naming linawin na walang katotohanan ang mga haka-hakang nagpainterbyu noon si Dennis sa PEP.ph tungkol sa isyu dahil, hanggang kahapon, tinatanggihan niya ang mga request ng entertainment press na makapanayam siya.

Hindi rin namin kinumbinsi si Dennis na magsalita dahil aming iginagalang ang kanyang desisyon at ang main concern niyang protektahan ang kapakanan ni Julia.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close