Solenn Heussaff, hubo't hubad sa kabuuan ng Misterio de la Noche

IMAGE Jojo Gabinete

Pinalakpakan ng CCP Little Theater audience ang Misterio dela Noche pagkatapos ng screening nito noong Linggo ng gabi, August 4, sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

Tuwang-tuwa ang direktor na si Adolf Alix Jr. dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanyang mapangahas na pelikula na pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Benjamin Alves.

Mapangahas dahil hubo’t hubad si Solenn sa lahat ng kanyang mga eksena, pero hindi ito malaswa sa paningin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maiinit din ang mga eksena nina Solenn at Benjamin na matapang na ginawa ang kanilang mga sex scene na importante sa kuwento ng pelikula.

Hindi lamang si Solenn ang nagbuyangyang ng katawan sa Misterio de la Noche dahil pumayag din si Benjamin na magkaroon ng butt exposure, pumping, at self-gratification scenes.

Ikinuwento ni Adolf na inabot ng isang taon ang pelikula bago ito natapos at naipalabas dahil sa mga special effect na ginamit niya, tulad ng maraming mata sa mukha at katawan ni Gina Alajar na muling nagbigay ng outstanding performance pero wala ni isang dialogue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Holy Week ng 2018 nang simulan ni Adolf ang shooting ng Misterio de la Noche.

Kinunan niya ang mga eksena sa maraming lugar—sa Subic; Tanay, Rizal; Taal, Batangas; at Bagac, Bataan.

Nagpapasalamat si Adolf dahil sa professionalism na ipinakita ni Solenn na hindi talaga gumamit ng plaster para matakpan ang maseselang bahagi ng katawan.

Mahihirap ang lahat ng mga eksena ni Solenn sa Misterio dela Noche.

Pero kumpara sa paghuhubad, pinakamahirap sa kanya ang eksenang kinakain niya ang mga sanggol.

Ang Misterio de la Noche ang movie adaptation ng Ang Unang Aswang, ang stageplay na isinulat ng renowned playwright na si Rody Vera.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close