James Reid, sinuportahan ang premiere ng pelikula ni Nadine Lustre

IMAGE Instagram

Sinuportahan ni James Reid ang red-carpet premiere ng Indak na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall kagabi, August 5.

Si James ang kasama ni Nadine Lustre nang maglakad ito sa red carpet, pero hindi na siya umakyat sa stage dahil ipinaubaya niya ang spotlight sa kanyang girlfriend at kay Sam Concepcion, ang lead actor ng dance movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula bukas, August 7.

"I always give Nadine support in all of her projects," sabi ni James.

Gustung-gusto ng kanyang girlfriend na gumawa ng dance film at natupad ito sa Indak.

Ayon kay James, excited siyang mapanood ang pelikula dahil ang kanyang best friend na si Sam ang kapareha ni Nadine.

Nang tanungin si James tungkol sa posibilidad na si Matteo Guidicelli ang ipalit sa kanya bilang bida ng Pedro Penduko, "that’s good" ang sagot niya.

Ang Epik Studios ang producer ng Pedro Penduko.

Sa opening day ng History Convention sa World Trade Center noong August 10, 2017, opisyal na ibinalita ng studio executives na si James ang gaganap na Pedro Penduko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwang-tuwa si James dahil siya ang napiling magbida sa isang malaking project tungkol sa buhay at adventures ng sikat na comic book superhero.

Pero noong May 31 2019, naglabas ng official statement ang mga producer tungkol sa withdrawal ng aktor sa project.

Spinal injuries ang sinabing dahilan kaya hindi na magagawa ni James ang Pedro Penduko.

Sa isang interbyu sa kanya, nagsalita ang aktor na wala siyang panghihinayang sa naging desisyon niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close