Derek Ramsay, tuluyan nang nag-backout sa MMFF 2019 entry

IMAGE Noel Orsal
Hindi na matutuloy ang Kapuso actor na si Derek Ramsay sa MMFF 2019 entry na K(Ampon).

Ang final decision ni Derek Ramsay na huwag nang tanggapin ang alok para maging lead actor ng K(Ampon) ang balitang nakarating sa Cabinet Files ngayong hapon, August 6.

Ang K(Ampon) ang isa sa official entries sa 45th edition ng Metro Manila Film Festival sa December 2019 at comeback movie ni Kris Aquino.

Noong July 24, 2019, lumabas ang balitang posible pa ring gawin ni Derek ang K(Ampon) dahil handa ang Quantum Films na mag-adjust sa kanyang hectic schedule.

Ang taping ng The Better Woman ng GMA-7 sa Laiya, Batangas ang priority ni Derek.

Para hindi magkaroon ng conflict sa kanyang schedule, nagkaroon ng brilliant idea ang producer ng K(Ampon) na kunan din sa naturang bayan ang mga eksena ng pelikula.

Pabor na pabor kay Derek ang naisip na paraan ng Quantum Films producer.

Pero ngayong hapon, may nagparating sa Cabinet Files na tinanggihan na ni Derek ang alok na maging leading man ni Kris sa K(Ampon) dahil pa rin sa taping ng The Better Woman at ibang mga showbiz commitment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close