Kakai Bautista, hindi pa naranasang ma-ghosting: "Usually, ako ang nanggu-ghost."

IMAGE Noel Orsal
Kakai Bautista: "Alam mo, kapag nai-in love ako sa isang tao, hindi talaga kita titigilan... Pero kapag ako na yung nagsawa talaga, as in ghosting ka na talaga, who you ka na."

A few years back, narinig namin ang kuwentong isinugod sa isang ospital sa Laguna ang nanay ni Kakai Bautista.

Ito ay dahil uminom ang nanay ni Kakai ng vitamin pill pero bumara sa kanyang lalamunan dahil nakalimutan niyang alisin ito mula sa wrapper.

Ngayong hapon, August 7, nakausap ng Cabinet Files si Kakai sa presscon ng And Ai, Thank You, ang drama-comedy movie na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas.

Nalaala namin ang kuwento tungkol sa freak accident na nangyari sa kanyang ina at nagkuwento naman siya.

Lahad ni Kakai, "Di ba, kapag matanda na kasi? Accidentally, nalunok niya, pero okey naman siya.

"Ewan ko ba, di ba, kung minsan nagpapapansin ang mga makukulit na magulang?

"Nagbara sa lalamunan niya, pero okey na naman siya.

"Dyusko, ang mahal… 100,000 plus!" banggit ng komedyana sa nagastos niya sa ospital.

KAKAI ON GHOSTING

At dahil mainit ngayon ang isyu tungkol sa ghosting, tinanong si Kakai kung naranasan na nitong maging biktima ng ghosting, tulad ng nangyari kay Bea Alonzo sa pakikipagrelasyon nito kay Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually, ako ang nanggu-ghost," ang mala-diyosang sagot ni Kakai.

"Alam mo, kapag nai-in love ako sa isang tao, hindi talaga kita titigilan.

"Kukulitin ko, makulit ako, e, saka control freak ako.

"Pero kapag ako na yung nagsawa talaga, as in ghosting ka na talaga, who you ka na.

"Talagang literal na who you. Maldita talaga kasi ako," walang kakurap-kurap na sabi ni Kakai.

Kahit minsan daw ay hindi pa siya nagiging biktima ng ghosting.

Nang tanungin tungkol sa suporta niya kay Bea, paulit-ulit na sinabi ni Kakai na hindi ito magsasalita tungkol sa kontrobersiya na ilang linggo nang pinagpipistahan.

"Ayoko pong magsalita. Ayokong magsalita.

"Parang wala ako sa wisyo para mag-comment about that.

"Sana lang, maayos, ma-heal yung mga pusong nasaktan.

"Hindi naman natin gustong laging may mag-aaway-away, di ba?

"Basta magpe-pray na lang ako nang maayos, yun na lang ang pinakamaganda nating gawin," pahayag ni Kakai na matagal nang kaibigan ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close