MMDA spokesperson Celine Pialago on Doris Bigornia: "Salbahe 'yan."

IMAGE Facebook
Hindi raw alam ni MMDA spokesperson Celine Pialago (kaliwa) kung ano ang pinag-ugatan ng galit sa kanya ng ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia (kanan).

"Ewan ko diyan," sagot ni MMDA Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago nang itanong ng Cabinet Files thru Facebook direct message ngayong gabi, August 7, ang ugat ng matinding galit sa kanya ng ABS-CBN news reporter na si Doris Bigornia.

Walang kamalay-malay si Celine na nabasa namin ang kopya ng complaint letter na ipinadala niya kay Ging Reyes, ang head ng Integrated News & Current Affairs ng ABS-CBN.

Nangako si Ging na iimbestigahan ang inaasal ni Bigornia sa tuwing nakakasalamuha nito ang MMDA spokesperson.

Bukod sa paninigaw at pananakit sa kanya ni Doris, nakalagay sa isang bahagi ng reklamo ni Celine ang pag-uutos ng ABS-CBN news reporter sa cameraman na kasama nito sa mga presscon na huwag isali sa mga shot at frame ang spokesperson ng MMDA.

"Salbahe ‘yan," sabi ni Celine tungkol kay Doris na maraming beses na raw nang-bully sa kanya.

Dagdag pa niya: "I do not want my superiors and colleagues in the agency to be involved in my issue with Ms. Bigornia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are already busy with so many things.

"I believe that her behavior is already intolerable even by her employer's rules, I'll just wait on the result of the investigation."

Nakilala at personal na nakausap ng Cabinet Files si Celine sa event ng The Skin Bureau sa Sofitel noong January 2019.

Para sa kaalaman ni Doris, sumali si Celine sa Miss Earth Philippines 2014, lumabas siya sa ilang mga teleserye ng ABS-CBN, at naging news reporter ng PTV4 at RPN-9 bago nagkaroon ng posisyon sa MMDA.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close