Rufa Mae Quinto, hindi na apektado sa mga baguhang artista

IMAGE Noel Orsal
Rufa Mae Quinto: "Okey lang sa akin na sumikat silang lahat at masaya ako para sa kanila. Kasi alam ko yung feeling nang mawala, sumikat, 'tapos steady lang."

Forty years old na si Rufa Mae Quinto noong 2018, pero hindi siya nagkaroon ng birthday celebration dahil namatay ang nanay niya.

Noong May 28, 2018 ang 40th birthday ni Rufa Mae.

May 26 nang bawian ng buhay ang kanyang ina na si Carol.

Napag-usapan ang edad ni Rufa Mae sa presscon ng And Ai, Thank You ng Reality Entertainment dahil may nagtanong sa kanya kung nag-aalala ba siya sa pagsulpot ng mga bata at baguhang artista.

Nagpakatotoo si Rufa Mae nang sabihin nito na ganoon ang pakiramdam niya noong bata pa siya, pero hindi na ngayon.

Ang And Ai, Thank You lead actress na si Ai-Ai delas Alas ang naging inspirasyon ni Rufa Mae dahil 40 years old ang Comedy Queen nang maging blockbuster ang pelikula nito na Ang Tanging Ina

"Akala ko nung nag-asawa ako, nagbuntis... kasi ang laki ko na.

"Ipina-feel din sa akin nung ibang tao na tumatanda na ako.

"Pero in fairness, sabi ko, naisip ko, 'Bakit ikaw, bakit ganoon?'" pagtukoy ni Rufa Mae kay Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bakit siya nung nag-Tanging Ina, 40 years old, sumikat pa siya lalo?

"In fairness, hindi ko nakalimutan, pero hindi ko naman sinabi na magiging ganoon din ako.

"Ang akala ko kasi, wala na, sinasabi ng iba, marami nang bagets.

"Inisip ko, malaki lang ang suso ko.

"Pero hindi ako nag-artista na parang ang ganda-ganda ko, kaya lang, nandoon na nga.

"So ngayon, okey lang sa akin na sumikat silang lahat at masaya ako para sa kanila.

"Kasi alam ko yung feeling ng mawala, sumikat, 'tapos steady lang.

"Pero ngayon po, awa ng Diyos, tinangkilik uli ako ng friends, fans, families.

"Huwag tayong mangamba," walang patid na pahayag ni Rufa Mae.

May special participation si Rufa Mae sa And Ai, Thank You bilang karibal ni Aileen dela Rosa, ang sikat na aktres na ginagampanan ni Ai-Ai.

Sa tunay na buhay, nagbiro si Rufa Mae kay Ai-Ai na hahataw siya nang husto sa showbiz kapag natuloy na ang plano ng Comedy Queen na magpahinga sa loob ng isang taon para asikasuhin ang pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close