Bela Padilla, gustong baguhin ang hitsura para sa Miracle In Cell No. 7

IMAGE Noel Orsal
Bela Padilla: "I wanna change my look kasi one year nang ganito ang hitsura ko, yung buhok ko, so I wanna look different for this movie."

Ang baguhin ang physical appearance ang gagawin ni Bela Padilla kapag nagsimula na ang kanyang shooting para sa Miracle in Cell No. 7.

Saktong-sakto naman ito sa nalalapit na pagtatapos ng Sino ang May Sala?: Mea Culpa, ang primetime series ng ABS-CBN na tinatampukan niya.

"Hindi pa po ako nag-first day [shoot]. Pinapatapos po muna nila sa akin ang Sino ang May Sala.

"I wanna change my look kasi one year nang ganito ang hitsura ko, yung buhok ko, so I wanna look different for this movie.

"And siyempre, special ito para sa akin kasi first time I’m working with Sir Aga Muhlach.

"I wanna give it more than my one hundred percent," sabi ni Bela.

Maraming beses na raw napanood ni Bela ang original version ng Korean movie na pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino.

"Sa totoo lang, sobrang daming beses ko nang napanood yung Korean movie na Miracle in Cell No. 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang fan ako ni Park Shin Hye," pagtukoy niya sa Korean actress na gumanap na anak ng lead character ng Miracle in Cell No. 7."

Si Bela ang gaganap sa papel ni Park Shin Hye.

Patuloy ng aktres, "So what I can say, because it’s gonna be directed by Nuel Naval, lalagyan nila ng Filipino flavor katulad ng nangyari sa [Philippine adaptation] ng Miss Granny, na Sarah Geronimo and Miss Nova Villa played Miss Granny in the role.

"So I hope I would be able to do that also.

"Gusto ko sana na, yun nga, may Filipino flavor."

Hindi pa nag-uumpisa ang shooting ni Bela para sa Tagalog version ng Miracle in Cell No. 7, pero nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala nang personal si Aga sa look test nila para sa pelikula.

"Exciting, pinapanood ko siya kahit yung mga eksena na siya lang.

"After ko mag-make up, lumabas na ako, pinanood ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong makita kung ano yung, kumbaga, what I’m gonna work with or what I’m gonna deal with pagdating ko sa set."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close