Edward lead star Louise Abuel, strong contender for best actor; John Lloyd Cruz, spotted sa TriNoma Cinema

IMAGE Facebook
Forcmer child actor Louise Abuel pays the title character in Edward, an official entry in the ongoing Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang coming-of-age movie na Edward ang isa sa mga official entry sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival na pinag-uusapan at pinupuri ng moviegoers.

Ang former child actor na si Louise Abuel ang gumanap sa lead character na si Edward.

Hindi nagkamali ang filmmaker na si Thop Nazareno sa pagpili sa kanya para magbida sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nazareno ang direktor ng Kiko Boksingero, official entry sa Cinemalaya 2017 na nagbigay ng best actor award sa child actor na si Noel Comia Jr.

Marami ang nagsasabing strong contender si Louise sa best actor category ng 15th Cinemalaya dahil sa mahusay na pagganap niya sa Edward.

Nagsimula ang acting career ni Louise noong 2011 sa 100 Days to Heaven ng ABS-CBN.

Pero napansin siya sa Juan Dela Cruz, ang defunct primetime series ni Coco Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fifteen years old na ngayon si Louise kaya bagay na bagay sa kanya ang role ni Edward.

Kung magaling na child star noon si Louise, mas mahusay siya ngayon dahil sa kanyang sensitive portrayal sa karakter ni Edward.

Pinupuri rin ang performance ni Ella Cruz, na naging sentro ng atensiyon ng karakter ni Louise.

Kinunan sa Philippine General Hospital at sa ibang mga ospital sa Maynila ang mga eksena ng Edward.

Ipinakita sa pelikula ang sad state ng mga ospital sa Kamaynilaan at ng mga pasyente nito na tiyak na nangyayari rin sa ibang mga government hospital sa ibang bansa.

Added attraction sa last full show ng Edward sa TriNoma Cinema si John Lloyd Cruz, na nakita ng moviegoers sa harap ng sinehan na pinagtanghalan ng pelikula ng Viva Films.

Sa kabila ng kanyang hippie look dahil sa sandals na suot, mahaba ang buhok, may bigote at balbas, umaagaw pa rin ng pansin si John Lloyd dahil pinagtitinginan ito ng mga tao na hindi makapaniwala na nakita siya nang personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close