Doris Bigornia ng ABS-CBN News, inireklamo ng MMDA spokesperson dahil diumano sa pananakit, paninigaw

IMAGE Facebook
MMDA spokesperson Celine Pialago (kanan), naghain ng letter of complaint sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa diumano'y pananakit at paninigaw sa kanya ng reporter na si Doris Bigornia (kaliwa).

Pormal na nagpadala ng letter of complaint si Metro Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago kay ABS-CBN News and Current Affairs Division Head Ging Reyes.

Si Doris Bigornia ang subject ng reklamo ni Pialago, former news reporter ng RPN-9, dahil sa diumano’y paninira at pisikal na pananakit sa kanya ng senior citizen news reporter ng ABS-CBN.

Inilahad ni Pialago sa sulat na ipinadala nito kay Reyes ang pananakit sa kanya ni Bigornia nang magkita sila sa isang fire drill sa Makati City Hall.

Hindi raw sinasadyang nabangga ni Pialago si Bigornia, pero naging pisikal diumano ito—"struck" ang ginamit na salita ni Pialago sa description nito sa pananakit na ginawa ni Bigornia—at sinigawan siya.

Ikinuwento rin ni Pialago na nalaman nito ang mga paninira diumano ni Bigornia laban sa kanya, tulad ng pagsasabi na fake ang ilong, katawan, at pati ang ugali niya.

Sa meeting sa MMDA office na kapwa dinaluhan nina Bigornia at Pialago kahapon, August 6, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na magkasundo na ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagbitaw ng salita si Bigornia na hindi ito makikipagbati sa isang "unethical person."

Ang inasal ni Bigornia kahapon ang last straw para kay Pialago kaya nagpadala siya ng sulat sa head ng News & Current Affairs Division ng ABS-CBN dahil wala umano siyang ideya sa tunay na dahilan ng ikinagagalit sa kanya ni Bigornia.

Ikinabahala ni Reyes ang letter of complaint ni Pialago kaya nangako siyang paiimbestigahan ang insidente, dahil hindi raw hinahayaan ng management ng ABS-CBN ang ganoong pag-uugali ng kanilang mga empleyado.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close