Matteo Guidicelli, kahanga-hanga ang acting sa Mina-Anud

IMAGE Jojo Gabinete
Matteo Guidicelli impresses Mina-Anud viewers with his depth and maturity as an actor.

Hindi pa contract star ng Viva Films at Viva Artists Agency si Matteo Guidicelli nang gawin nito ang Mina-Anud, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na closing film kagabi, August 10, ng 15th Cinemalaya Independent Film Festival at may commercial theater run simula sa August 21, 2019.

Hindi nakadalo si Matteo sa grand presscon ng Mina-Anud noong August 2 at wala rin siya kagabi sa premiere ng pelikula sa main theater ng Cultural Center of the Philippines.

Nang makausap namin si Matteo sa Viva Convention noong August 3, tiniyak niya na walang kinalaman ang kanyang pagpirma ng kontrata sa Viva sa hindi niya pagsipot sa presscon ng pelikula ng Regal Entertainment.

Nagkataon lang daw talaga na nagkaroon ng conflict sa mga schedule niya.

“I actually had a commitment na hindi namin ma-cancel but I was on the radio promoting Mina-Anud. I’m inviting everybody to watch sa August 21.

“Yung conflict talaga sa schedule ang problema, but I promise, dapat kailangan ako sa premiere. I want to be at the premiere night to watch the amazing film of Sir Kerwin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa ako sa Viva nung ginawa ko ang Mina-Anud. It’s based on a true story.

"Maganda yung kuwento,” ang sabi ni Matteo na kung dumalo kagabi sa special screening ng Mina-Anud sa CCP, tiyak na lalong madaragdagan ang tuwa niya dahil nagustuhan ng audience ang kanilang pelikula na pinalakpakan at pinuri ng lahat.

Mahuhusay ang cast ng Mina-Anud sa pangunguna nina Dennis Trillo, Jerald Napoles, Lou Veloso, Alvin Anson at Dionne Monsanto, pero scene stealer si Matteo sa kakaibang karakter na ginampanan nito.

Siguradong lalong mamahalin at ipagmamalaki ni Sarah Geronimo si Matteo kapag napanood niya ang extraordinary performance ng kanyang boyfriend sa Mina-Anud.

Ibang-iba si Matteo bilang Paul, ang commercial model na kababata ng mga karakter na ginampanan nina Dennis at Jerald.

Pinatunayan ni Matteo sa mga eksena nito sa Mina-Anud na versatile actor siya.

At kung gugustuhin ni Matteo, kayang-kaya nito na maging sexy sa paningin ng lahat base sa mga ipinakita niya sa kanyang mga eksena ng Mina-Anud na nagmarka nang husto sa manonood dahil nabigyan ng hustisya ng aktor ang karakter ni Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close