StarStruck 7 finalist Pamela Prinster, malakas ang Catriona Gray vibe

Pamela Prinster before and after: That's My Amboy (left) / StarStruck 7 (middle, right)

Nasorpresa ang StarStruck Season 7 finalist na si Pamela Prinster nang magkita sila ni Andre Paras sa 4th anniversary celebration ng Kapuso Brigade dahil hindi niya inaasahang matatandaan at makikilala pa rin siya ng kanyang co-star sa That’s My Amboy, ang primetime television series ng GMA-7 noong 2016.

Matagal nang hindi nagkikita ang dalawa dahil nang matapos ang That’s My Amboy, bumalik si Pamela sa Amerika para tapusin ang high school studies niya at muling umuwi sa Pilipinas nang sumali siya sa Season 7 ng reality-based artista search ng Kapuso Network.

“Niyakap ako ni Andre.

"Nagulat ako. Parang hindi na ako sanay, ang laki niya talaga,” kuwento ni Pamela na 18 anyos na ngayon.

“I’m super comfortable with him and he supports me,” ang sabi ni Pamela na umaasang muling mabibigyan ng pagkakataong makatrabaho si Andre.

Fifteen years old si Pamela nang gampanan niya ang karakter ni Miley sa That’s My Amboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang ikinuwento ni Pamela na pinatanda ang hitsura niya sa defunct television show ng GMA-7, kinulayan ang buhok at pinagsuot ng sexy shorts.

Sa mga survey, si Pamela ang nangunguna sa listahan ng mga pinapaboran para manalo na Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 7, kaya hindi maiwasan na makaramdam siya ng pressure.

“I get a lot of messages na parang gusto nila ako na manalo and I’m trying my best. I’m trying really hard, sana po I can make it happen.

“Grabe, I feel the pressure and at the same time, I feel the love and support,” pahayag ni Pamela na malakas ang Catriona Gray vibe.

Kung anuman ang magiging resulta ng kanyang pagsali sa StarStruck Season 7, win or lose, plano ni Pamela na magbakasyon sa Amerika.

Miss na miss na ni Pamela ang kanyang pamilya pero siniguro niyang babalik siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naumpisahang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close