Marco Gumabao, pinaligaya ang mahigit 50 kababaihan

IMAGE Jojo Gabinete
Ang kumita ang Just A Stranger ang tanging wish ni Marco Gumabao para sa kanyang 25th birthday sa Miyerkules, August 14.

Ang maging blockbuster ang Just A Stranger ang nag-iisang hiling ni Marco Gumabao para sa kanyang 25th birthday sa Miyerkules, August 14, 2019.

Ang Just A Stranger ang itinuturing ni Marco na biggest movie break niya dahil siya ang pinili ng Viva Films bilang leading man ni Anne Curtis.

Mula nang magkasunod-sunod ang mga movie project ni Marco, marami ang nakapansin sa kanyang "star at positive aura" at blooming siya.

Natawa si Marco nang marinig niya ang komento na artistang-artista na ang kanyang hitsura.

"Sa lahat ng blooming, ako ang walang girlfriend!" sabi ni Marco nang makausap ito ng Cabinet Files sa Ladies Night Out with Marco na naganap ngayong gabi, August 12, sa Cable Car bar sa Ortigas Center, Pasig City.

Bukod sa inspirado si Marco sa magandang takbo ng acting career nito, naniniwala siyang may kinalaman ang personal relationship niya sa Panginoon at pagiging active sa kanilang simbahan sa positive aura niya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Active ako ngayon sa church namin. Marami na rin sa mga kaibigan ko ang naisasama ko sa church," sabi ni Marco.

Mahigit sa 50 ang bilang ng mga kababaihan na pinasaya ni Marco sa Ladies Night Out with Marco.

Nagkaroon ng iba’t ibang klase ng games at nabigyan ng pagkakataon ang female fans ni Marco nang makilala at makausap siya nang personal.

Sinamantala ng mga kababaihan ang pagkakataon para mahalikan at mayakap nila ang aktor na sinasabing "next important male star" ng Viva Films.

Iplalabas naman ang Just A Stranger sa mga sinehan simula sa August 21.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close