Mina-Anud, isa sa pinakamagandang pelikula ng Regal

IMAGE Jojo Gabinete
Ayon kay Direk Kerwin Go, tumagal ng halos sampung taon bago natupad ang kanyang pangarap na maisalin sa pelikula ang kuwento ng Mina-Anud.

Hindi nagkamali ang mga producer ng Regal Entertainment, Inc. sa malaking oportunidad na ibinigay nila kay Kerwin Go.

Si Kerwin ang direktor ng Mina-Anud, ang closing film ng 15th Cinemalaya Independent Film Festival na tumanggap ng mga papuri mula sa manonood at film critics.

Inspired ang kuwento ng Mina-Anud sa insidente na nangyari noong December 2009—ang recovery ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement, at ng military troops sa 139 bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng P800 million na natagpuan na lumulutang sa dalampasigan ng mga isla ng Mina-anod at Llorente, Eastern Samar.

Sa kanyang speech bago nagsimula ang screening ng Mina-Anud, ikinuwento ni Kerwin na tumagal ng halos sampung taon bago natupad ang kanyang pangarap na maisalin sa pelikula ang kuwento ng Mina-Anud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sulit na sulit ang sampung taon na paghihintay ni Kerwin dahil sa kasaysayan ng Regal, ang Mina-Anud ang isa sa pinakamaganda at maipagmamalaking pelikula ng movie company ni Mother Lily Monteverde at ng anak nitong si Roselle.

Taus-puso ang pasasalamat ni Kerwin kina Mother Lily at Roselle dahil sinugalan ng dalawa ang kanyang movie project na tinatampukan nina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Pahayag ni Kerwin, "Everything happens for a reason and that reason is I’m standing here in front of you today, presenting this movie in the most prestigious film festival of the country.

"I would like to thank Regal Entertainment Inc., Mother Lily Monteverde, and most especially Roselle Monteverde who was the biggest advocate of this movie.

"Roselle took a gamble on a project that most studios would’nt have touched with a ten-foot pole.

"She told me not to hold back and to let whatever visions I had however wild and crazy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will forever be grateful to Roselle for the opportunity she has given me."

Nagpakitang-gilas si Kerwin bilang direktor sa Mina-Anud na kinunan sa Borongan, Eastern Samar ang mga eksena.

Ipinakita ni Kerwin sa pelikula ang kagandahan ng Borongan kaya maeengganyo ang mga manonood ng kanyang pelikula na puntahan ang naturang lugar.

Bukod sa mahusay na direksiyon ni Kerwin at magandang kuwento ng Mina-Anud na nangyayari sa tunay na buhay, kapuri-puri ang outstanding performances nina Dennis, Jerald, Matteo, pati na ng kanilang mga co-star na sina Lou Veloso, Alvin Anson, at Dionne Monsanto.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close