Ella Cruz, hindi makapaniwalang nanalong Best Supporting Actress sa Cinemalaya

IMAGE Instagram
Ella Cruz: "Hindi ko po talaga ine-expect ang award na 'to. This is my first award after ten years of acting at ito talaga ang mahal ko, ang pag-arte."

Nakapanghihinayang dahil hindi nakadalo si Ella Cruz sa Gabi ng Parangal ng 15th Cinemalaya Independent Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines noong Linggo, August 11, 2019.

May mga nagsasabing hindi inimbitahan si Ella sa awards night ng 15th Cinemalaya kaya hindi siya nabigyan ng pagkakataon na personal na tanggapin ang kanyang best supporting actress trophy at mapasalamatan ang mga taong nagtiwala sa kakayahan niya.

Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Ella na nanalo siya ng acting award.

Pero para sa mga nakapanood ng performance niya sa Edward, deserving siya sa kanyang tagumpay.

View this post on Instagram

di ako makapaniwala... ?????? Maraming salamat po ?????? Lord, Thank You #Edward #Cinemalaya2019

A post shared by ????????????????. ???? (@ellacruz) on

Ito ang mensahe na ipinadala ni Ella sa Cabinet Files na nagsilbi na ring acceptance speech niya para sa best supporting actress award na kanyang natanggap:

"Hindi po ako makapaniwala na sa akin ibinigay ang award na ‘to.

"Sobrang thankful and blessed po ako dahil hindi ko ito inaasahan"

Kuwento pa niya, "Nakakatuwa kasi nung una, may doubts pa po ako na gawin ang role ko sa Edward pero thankful ako kina Direk Joyce Bernal [creative producer], Direk Thop Nazareno, at Boss Vic del Rosario [producer] sa pag-trust sa akin na kaya kong gawin ang role ni Agnes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time ko na magkaroon ng ganitong role and first time ko na maging part ng Cinemalaya, at ito ang naging biyaya sa akin.

"Hindi ko po talaga ine-expect ang award na 'to.

"This is my first award after ten years of acting at ito talaga ang mahal ko, ang pag-arte.

"Para maparangalan ako nang ganito ay sobrang laking bagay dahil, finally, nakita ko yung mga pinaghihirapan ko at nagbunga nang maganda.

"Parang may nagsabi sa akin na, 'Uy, isa ka nang ganap na tunay na aktres.'"

"Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta at naniniwala sa akin, ang VAA family, my fans—Ellamazings, and siyempre, ang family ko, lalo na sina Papa and Mama.

"And, of course, kay God na inuulanan Niya ako ng blessing ngayong birth month ko.

"Overwhelmed pa rin ako sa nangyari. Basta sobrang grateful ko lang talaga.

"Sana makagawa pa ko ng maraming pelikula at maraming kakaibang roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Higit sa lahat, maraming salamat Cinemalaya."

Ibang-ibang Ella ang napanood sa Edward dahil palamura ang karakter ni Agnes na ginampanan niya.

Pumayag din siyang magkaroon ng kissing scene sa former child actor na si Louise Abuel, na buong husay ring binigyang-buhay ang katauhan ni Edward.

Mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na mapanood ang Edward dahil ipalalabas ito sa cinemas nationwide simula sa October 2, 2019.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close