Gretchen Diez, huwag sanang malunod sa kanyang instant fame

IMAGE Facebook
May mga nag-aakusa kay Gretchen Custodio Diez na "famewhore" dahil sa excitement na kanyang ipinakita nang makaharap niya ang mga senador.

Nahimatay sa loob ng presinto si Chayra Ganal, ang janitress na humamak sa pagkatao ng transgender woman na si Gretchen Diez.

Tila premonition ng mga susunod na pangyayari ang eksena niyang nakunan ng video.

Kahima-himatay para kay Ganal ang twist sa nag-trending na video niya dahil dumistansiya sa kanya ang management ng Farmers Plaza Mall.

"We wish to clarify that handcuffing Ms Diez was not the idea of Farmers Plaza management, nor was it done within our premises.

"We hope this isolated incident, clearly a mistake committed by an agency worker not organic to our company, does not define our lasting good relations with all our customers," bahagi ng pahayag at paglilinaw ni Morriel Abogado, ang property manager ng Farmers Plaza Mall.

Overwhelming naman ang suportang tinanggap ni Diez mula sa concerned citizens, showbiz personalities, at mga pulitiko.

Nagkaroon si Diez ng 15 minutes of fame dahil isang araw matapos mangyari ang insidente, natagpuan niya ang sarili sa Senado, nakilala nang personal at nagkaroon ng photo op kina Senators Bong Go, Imee Marcos, at Riza Hontiveros na naka-post agad sa kanyang Facebook account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kasaamang-palad, negatibo ang mga komento ng karamihan ng netizens.

Overwhelmed at flattered din si Diez sa atensiyong ibinigay sa kanya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hindi nakapagtataka dahil fan siya ng mga beauty pageant at former contestant sa isang gay beauty contest.

Dapat maging maingat si Diez sa kanyang mga susunod na aksiyon.

Hangga’t maaari, pigilan niya ang sarili na huwag "malunod" sa instant fame na kanyang nararanasan sa kasalukuyan dahil panandalian lamang ito.

In fact, may mga nag-aakusa kay Diez na "famewhore" dahil sa excitement na kanyang ipinakita nang makaharap niya ang mga senador.

Walang mawawala kay Diez kung tatalasan nito ang pakiramdam para malaman niya ang tunay na motibo ng mga taong lumalapit at nag-aalok ng tulong sa kanyang well-publicized case.

Dahil mainit na pinag-uusapan ang karanasan ni Diez, asahan natin na magiging visible siya sa telebisyon sa linggong ito para sa mga interbyu, na nagsimula nang mangyari kahapon, August 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi imposible na baka isang araw, mabalitaan nating isasadula ng Magpakailanman ang kanyang life story na puwedeng pagbidahan ni Andrea Torres dahil sa strong resemblance nila sa isa’t isa, or kapanayamin siya ni Jessica Soho dahil sa "I-KMJS na ‘yan!" na reaksiyon ng ilang mga tao.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close