Senator Tito Sotto, iminungkahi na "homo sapiens" ang itawag sa LGBTQIA+

IMAGE Facebook
Pinagdiskusyunan nina Senate President Tito Sotto at Senator Risa Hontiveros kung ano ba ang dapat itawag sa mga miyembro ng LBTQIA+ community.

Special mention si Allan K. sa Senate Session kahapon, August 14, dahil sa kalituhan ni Senate President Tito Sotto tungkol sa LGBTQIA+ term sa mga bakla at tomboy.

Ang pagkalito ni Sotto ang nag-udyok sa kanya para magsalita ng "Bakit hindi na lang homo sapiens?" ang itawag sa mga gay dahil nahahabaan siya sa mga letra ng LGBTQIA+.

"This is going to be a lengthy debate because, I recall, we debated about it before and when I went to a television program that I am part of, I asked Allan K. if he is okay with the Q, the Queer.

"He said if you call him a queer, sampalin ka raw niya.

"Gusto niya, tawagin mo siyang gay," reaksyon ni Sotto sa sinabi ni Senator Risa Hontiveros na ang Q for Queer ang pinakapaborito niyang letra sa LGBTQIA+ dahil hindi nababahala ang mga queer sa gender identification at gender orientation ng kanilang mga minamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the queers, it’s all about love," sabi ni Hontiveros.

Bago nabanggit ni Sotto ang pangalan ni Allan K., nagtanong muna siya kay Hontiveros tungkol sa LGBTQIA+ term.

"Why that lengthy letters? Why not just homo sapiens?

"We are all the same. Why do we have to segregate the gays from the lesbians, straight guys?" may pagtatakang tanong ni Sotto kay Hontiveros.

Si Hontiveros din ang sumagot sa tanong ni Sotto.

Saad ng senadora, "I really wanted to be clarified also, what is a transgender, what is a transsexual woman, what is a transverstite?

"The transverstite is an old term na sa karanasan po ng mga trans persons, naranasan nila na derogatory term ito yung sarili nilang self-identification as trans person is either trans man, trans woman, transgender or transsexual.

"Yung transgender is the more embracing term.

"It refers to an individual na ipinanganak with a certain set of sex characteristics, and then noong nakilala niya yung sariling pagkatao at kung papaano siya magmahal ng ibang tao ay maaaring yung gender identity and gender expression na hindi nagko-conform sa sex niya. Yung naka-print sa kanyang birth certificate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maaaring nagpasagawa siya ng operasyon sa sariling katawan and if so, then some of these transgender kababayan of ours would say they are transsexual."

Naging simple sana ang paliwanag kung nag-Google na lamang siya:

"Transsexual — a person who emotionally and psychologically feels that they belong to the opposite sex.

"Transgender — denoting or relating to a person whose sense of personal identity and gender does not correspond with their birth sex."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close