Pagdaraos ng Mr. World 2019 sa Pilipinas, malaking advantage para kay JB Saliba

IMAGE Instagram
Mr. Philippines JB Saliba: "Being desirable actually depends on each person's point of view. If people desire you, they actually look up to you."

Ang 26-year-old na si Jody Baines "JB" Tejano Saliba ang official candidate ng Pilipinas sa 10th Mr. World na magaganap sa Smart Araneta Coliseum, Araneta Center, Cubao, Quezon City, sa August 23, 2019.

Hindi itinanggi ni JB ang pressure na nararamdaman dahil ang Pilipinas ang host country.

Pero para sa kanya, malaki rin ang advantage dahil sa suportang natatanggap niya mula sa ating mga kababayan.

Pahayag ni JB, "I will state ang pinaka-obvious sa lahat is it’s happening here in my hometown, the Philippines.

"And I know, I can see the presence of support of the entire Filipino community.

"It’s an advantage ‘coz, you know, it’s your hometown, you know everybody’s cheering for you.

"You’ll actually feel much more better compared to no one’s there for you."

Nang itanong ng Cabinet Files kung bakit siya ang karapat-dapat manalo ng Mr. World 2019 title, ito ang sagot ni JB:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First of all, I am friendly, I get along with everyone, I’m dedicated, I am passionate, I’m punctual.

"And whatever I get myself into is I mean it too well."

Walumpo ang bilang ng official candidates ng Mr. World 2019 at karamihan sa kanila ay nagsabing dapat na desirable sa paningin ang mga nangangarap namapanalunan ang titulo.

Pero iba ang paniniwala ni JB.

Sabi niya, "Being desirable actually depends on each person's point of view.

"If people desire you, they actually look up to you.

"You have to be someone desirable in each aspect, it’s not just about looks, it’s about everything in you. The entire totality."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close