Stacey Gabriel, nagpasalamat sa showbiz break na ibinigay sa kanya ni Coco Martin

IMAGE @staceygabriel / @mr.cocomartin Instagram
Showbiz newbie Stacey Gabriel, ibinahagi ang unforgettable experience bilang kasangga ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano.

Natapos na ang three-month stint ni Stacey Gabriel sa FPJ's Ang Probinsyano.

Dahil hindi naman namatay ang kanyang karakter na si Master Sergeant Tricia Almario, umaasa ang aspiring actress na makakabalik siya sa top-rating prime-time television series ni Coco Martin.

To date, ang special appearance sa FPJ's Ang Probinsyano ang isa sa mga itinuturing ni Stacey na highlight ng budding acting career niya dahil mismong si Coco ang pumili sa kanya nang sumali siya sa ipinatawag na audition.

Hindi makakalimutan ni Stacey na sila ni Coco ang madalas na magkasama sa eksena ng FPJ's Ang Probinsyano, at isa raw malaking karangalan para sa tulad niyang baguhan sa entertainment industry.

"It was an unforgettable one. My acting abilities were brought to new levels because of the intensity of the scenes, especially throughout the abduction storyline, and I could feel myself growing not only as an actress, but also as a human.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang klaseng fulfillment and naramdaman ko pagkatapos kong maipakita ang aking kakayahan sa pag-arte.

"This is really my passion. Matagal kong pinangarap at ipinagdasal na makasama sa cast ng Ang Probinsyano kaya sobra kong pinahalagahan ang bawat sandali bilang si Master Sgt. Tricia Almario."

Lahad pa ni Stacey: "None of this would’ve been possible if it weren’t for Direk Coco, and I’m grateful to him for casting me and giving me the honor to work with and learn from him.

"I’ve always admired him as an actor, but I became an even bigger fan when I witnessed what a good, grounded, generous human he is.

"May mga pagkakataon na hindi ako makapaniwala na ito ang kalibre ng mga aktor na nakakatrabaho ko.

"Nakakataba ng puso ang pagkakataon na maging kasangga ni Cardo."

Cardo ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Coco sa serye.  

Habang hindi pa nasusundan ang huling television assignment niya sa ABS-CBN, naging busy si Stacey sa shooting at promo ng Indak, ang dance movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion na palabas pa rin sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Stacey ang gumanap na isa sa mga kaibigan ng karakter ni Nadine sa Indak.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close