Arwind Santos, naging maamong tupa pagkatapos ng monkey gesture laban sa PBA import

IMAGE Jerome Ascano for SPIN.ph
Arwind Santos on monkey gesture: "Inaamin ko po mali po ako, sorry po, sana po mapatawad niyo po ako. Tao lang po ako, nagkakamali lang din po ako."

Community service, equality counselling, at pagbabayad ng P200,000 ang mga parusa na ipinataw ng Philippine Basketball Association (PBA) sa San Miguel Beermen player na si Arwind Santos.

Ito ay dahil sa kanyang monkey gesture na pang-iinsulto kay TNT Katropa African American import Terrence Jones sa second quarter ng Game 5 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals na nangyari sa Smart Araneta Coliseum kagabi, Miyerkules, August 14.

Initially, tumanggi si Arwind na humingi ng paumanhin kay Jones dahil, ayon sa kanya, mind games ang ginawa niya.

"Dati, ginagawa ko ‘yan, wala naman warning, okey lang.

"So kanina, winarningan ako ni Commissioner 'tsaka ng mga coaches kaya hindi ko na ginawa kasi nga itong basketball, mind games.

"Malay mo, mapikon siya kapag tinatawag siya na ganoon, e, pabor sa amin.

"Mabuti, na-warningan naman kami. Sinabihan kami.

"Nakakaintindi naman kami kapag na-warningan kami, hindi na namin uulitin," justification ni Arwind sa racial discrimination niya laban kay Jones sa panayam sa kanya ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung hihingi siya ng sorry kay Jones, walang pagsisisi sa boses ni Arwind.

Sagot niya, "Magso-sorry ako? Hindi!

"Kasi depende yun sa kanya kung mapipikon siya, totoong monkey siya.

"Pero kung hindi ka mapipikon, hindi ka monkey!

"Kami, nang-aasar lang, e. Kami nga, magkakapatid, nag-aasaran din kami.

"Sa basketball, hindi ko naman sila kaano-ano. Gusto lang namin manalo, di ba?

"Kung mapipikon siya, hindi ko na kasalanan yun. Ganyan lang talaga ang basketball."

ARWIND APOLOGIZES

Kinain ni Arwind ang lahat ng kanyang mga sinabi dahil pagkatapos ipatawag sa opisina ng PBA Commissioner, tila maamong tupa na naglabas siya ng apology video para kay Jones.

"I don't mean anything bad for you. I hope you forgive me.

"I wanna say sorry again and gusto ko humingi ng taos pusong pagpapatawad sa mga fans ng Talk 'N Text, San Miguel, PBA, at sa lahat po ng mga nasaktan.

"Wala po akong masamang intensiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaamin ko po mali po ako, sorry po, sana po mapatawad niyo po ako.

"Tao lang po ako, nagkakamali lang din po ako," sabi ni Arwind.

Tumanggap si Arwind ng maraming batikos at mga paratang na yumabang na mula nang magkaroon ng pangalan sa basketball.

TERRENCE JONES: "IT WAS RACISM. PERIOD."

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inilabas naman ni Jones ang saloobin nito tungkol sa pang-iinsulto na ginawa ni Arwind sa pagkatao niya bago humingi ng public apology ang Filipino PBA player.

Pahayag ni Jones: "I don’t normally post responses to negative things said about me - but as a father and a black man, this can’t be ignored.

"I came to the PBA to play - and to share my talent - in a country where I have tremendous respect for its culture and its people.

"My son is of Filipino descent. I cannot and will not tolerate racial slurs and gestures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They’re not only disrespectful to me but to my family and my race.

"I teach my son to be proud of who he is and to be respectful of all.

"This wasn’t a case of 'mind games' in an athletic competition - it was racism. Period.

"Swift, significant action needs to be taken by the PBA to send a STRONG, clear message that racism in any form is UNACCEPTABLE will NOT be tolerated."

View this post on Instagram

I don’t normally post responses to negative things said about me - but as a father and a black man, this can’t be ignored. I came to the PBA to play - and to share my talent - in a country where I have tremendous respect for its culture and its people. My son is of Filipino descent. I cannot and will not tolerate racial slurs and gestures. They’re not only disrespectful to me but to my family and my race. I teach my son to be proud of who he is and to be respectful of all. This wasn’t a case of “mind games” in an athletic competition - it was racism. Period. Swift, significant action needs to be taken by the PBA to send a STRONG, clear message that racism in any form is UNACCEPTABLE will NOT be tolerated. (To read the story, click on the link in my bio??)

A post shared by @ terrencejones1 on

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close