Crazy Rich Asians author Kevin Kwan, malaking bahagi ng libro ni Heart Evangelista

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2019
Malapit nang i-release ang Styled with Heart, ang first-ever fashion book ni Heart Evangelista.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi makapaniwala si Heart Evangelista na malapit nang i-release sa September 2019 ang Styled with Heart, ang kanyang first-ever fashion book.

Passion ni Heart ang fashion kaya malaking achievement para sa kanya ang maglabas ng sariling libro.

Extra special kay Heart ang Styled with Heart dahil may malaking bahagi dito si Kevin Kwan, ang author ng best-selling novel na Crazy Rich Asians na naging kaibigan na niya.

Hindi naman makapaniwala ang social media followers ni Heart nang makita nilang cashmere Hermes blanket din ang ginagamit ni Panda.

Si Panda ang adopted Aspin dog ni Heart na kinaiinggitan ng mga tao dahil sa kanyang sosyal na pamumuhay.

Bukod sa pagkakaroon ng sariling Instagram account at kahit ampon lamang siya, living the life of the rich and famous si Panda dahil sa cashmere Hermes blanket na nakabalot sa kanyang pagka-aso sa Instagram post ni Heart nang samahan ito ng pet dog niya sa kanyang recent pictorial.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

My ever so loyal photoshoot companion. ???????? ???? #AspinClub #AdoptDontShop @pandaongpaucoescudero

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

At any rate, hindi lamang ang Styled with Heart ang nagpapasaya ngayon kay Heart dahil siya ang napiling brand ambassador ng IAM Worldwide, ang up-and-coming networking company na may layuning maghatid ng pagbabago sa kalusugan, prosperity, at balance sa pamamagitan ng best-in-market business opportunities at world-class quality products.

Nang malaman ni Heart ang magandang intensyon ng IAM Worldwide, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok na maging brand ambassador.

Naganap noong August 6 sa Manila House Private Membership Club ang contract signing nina Heart, IAM Worldwide President Allen Marvin Eder at Vice President Aika Lorraine Uy.

"Because she exemplifies the vision of IAM Worldwide to inspire people," ang ibinigay na dahilan ng IAM Worldwide executives kaya si Heart ang pinili nilang ambassador ng kanilang kompanya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang i-release ang Styled with Heart, ang first-ever fashion book ni Heart Evangelista.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results