Mr. World 2019 candidate, umaming may autism

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2019
Julia Morley (leftmost) ng Miss World Organization, inalala ang aksidente kunsaan kasama niya si Miss World 2013 Megan Young.
PHOTO/S: @thejuliamorley / @alessandro_coward Instagram

Ang kagandahang-asal ng mga Pilipino ang bukambibig ni Miss World Organization Chair Julia Morley nang makausap siya ng Cabinet Files sa interbyu para sa 80 official candidates ng Mr. World 2019 pageant.

Ginanap ang panayam sa Novotel Manila Araneta Center sa Quezon City.

Mula nang manalong Miss World si Megan Young noong 2013, maraming beses nang bumalik sa Pilipinas si Morley.

Ayon sa kanya, gustung-gusto niya ang magandang ugali ng mga Pilipino.

Magkasama sina Morley at Megan nang mag-collapse ang sahig na kinatatayuan nila nang bumisita sila sa isang orphanage sa Port Au Prince, Haiti noong November 2013.

Himala na hindi nasaktan si Megan, pero hindi naging mapalad si Morley dahil sumailalim ito sa hip surgery.

Ikinuwento ni Morley sa Cabinet Files na parehong nilagyan ng metal support ang kanyang balakang kaya tumutunog ang mga metal detector sa airport na dinadaanan niya; at ganito ang nangyayari kapag bumibiyahe siya sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Hindi lamang si Morley ang nawiwili sa ating bansa.

MEET JAKUB KRAUS

Ang hospitality at very welcoming attitude ng mga Pilipino ay hinahangaan din ng mga kandidato ng Mr. World, 'tulad ng 29-year-old na si Jakub Kraus, ang official delegate ng Czech Republic.

Si Kraus din ang kandidato ng kanyang bansa sa hiwalay na male pageant, ang Mister International, na ginanap sa Pilipinas noong November 2015.

Fourth runner-up si Kraus sa Mister International 2015.

Hindi raw niya nakakalimutan ang maayos na pakikisamang ipinakita noon sa kanya ng mga Pinoy.

"It's my second time here. I was here for Mister International. I was here four years ago and I enjoyed staying here for almost three weeks...

"People here are so welcoming, and I really love their attitude to strangers like me.

"This is my second competition and I'm really enjoying it. Beside the official program of Mr. World, I’m enjoying breakfast, lunch, and dinner with the other guys from all over the world.

Continue reading below ↓

"It’s so inspiring to talk to them," lahad ni Kraus sa Cabinet Files.

ALESSANDRO COWARD'S ADVOCACY

Nakausap din ng Cabinet Files si Alessandro Coward, 21, ang official representative ng Canada sa 10th Mr. World.

Pero hindi gaya ng kanyang family name, matapang na inamin ni Coward ang kanyang pagiging autistic.

"I don’t consider my being autistic a hindrance in achieving my goals in life.

"It’s not easy to deal with autism but I can teach others in the same condition how to deal with it.

"I can help educate parents how to see the light at the end of the tunnel.

"That’s how some people look at the autistic.

"They may not understand how an autistic is but an autistic knows where he is going.

"I should know. Otherwise, I wouldn’t be where I am today."

Dagdag ni Coward, siya raw ay naging biktima ng bullying noong bata pa siya dahil sa kanyang kalagayan.

Continue reading below ↓

Sa August 23 nakatakdang ganapin ang 10th Mr. World pageant sa bansa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Morley (leftmost) ng Miss World Organization, inalala ang aksidente kunsaan kasama niya si Miss World 2013 Megan Young.
PHOTO/S: @thejuliamorley / @alessandro_coward Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results