Khalil Ramos, pinu-push ni Gabbi Garcia na balikan ang pagkanta

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2019
Khalil Ramos on singing: "Gusto kong mag-start from scratch para mailabas ko talaga kung sino ako, musically. Yung tunay kong pagkanta, yung tunay kong genre."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nilinaw ni Khalil Ramos sa presscon ng The Ghosting na ito na talaga ang pamagat ng horror movie ng Reality Entertainment na pinagbibidahan nila ni Andrea Brillantes bago pa man naging talk of the town ang "ghosting."

Ghosting ang millennial term sa ibinibintang na ginawa ni Gerald Anderson sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Si Khalil ang lead actor ng The Ghosting na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 28.

Dahil hindi naman nila inililihim ni Gabbi Garcia ang kanilang relasyon, hindi naiwasang hindi mabanggit sa presscon ang kanyang girlfriend.

Mismong si Khalil ang nag-umpisang magkuwento tungkol kay Gabbi nang tanungin tungkol sa kanyang singing career dahil nalilinya na siya sa pag-arte.

"Si Gabbi, actually, pinu-push ako na kumanta," sabi niya.

"Ever since, pinu-push niya talaga ako kasi pina-realize niya sa akin na ang dami kong supporters when it comes to music.

"Siguro, it was a struggle for me to really balance things ‘coz I found a new passion when it comes to acting and filmmaking.

Continue reading below ↓

"I also run a very small production house that produces online contents.

"So, parang mas naglaan ako ng oras sa dalawa na napabayaan ko yung singing.

"Although, hindi ko pa siya totally pinapakawalan."

Patuloy ni Khalil, "I’ve been talking to Cornerstone when I was doing Coke Studio Season 2.

"Sabi ko, sige nga, ready na ako sumabak uli sa pagkanta.

"Pero gusto kong mag-start from scratch para mailabas ko talaga kung sino ako, musically.

"Yung tunay kong pagkanta, yung tunay kong genre.

"And trouble ko naman kasi, hindi ako nagsusulat ng kanta.

"Marunong po ako magsulat ng screenplays, ng mga script, pero sa pagkanta po, nahihirapan ako na i-compress yung idea to a three-minute song."

Hindi itinanggi ni Khalil na na-in love siya nang husto sa pag-arte.

Nang kumustahin ang estado ng relasyon nila ni Gabbi, sumagot siya ng "Okey naman po, masaya. Personally, we are very happy. Nagda-dub siya ngayon."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Khalil Ramos on singing: "Gusto kong mag-start from scratch para mailabas ko talaga kung sino ako, musically. Yung tunay kong pagkanta, yung tunay kong genre."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results