Andrea Brillantes, umaming nakaranas mag-breakdown

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2019
Andrea Brillantes: "Kaya ngayon, bawat blessing, tsine-cherish ko talaga at sobra akong nagpapasalamat kay Lord na meron ako nito ngayon."
PHOTO/S: FM Ganal

Sixteen years old pa lamang si Andrea Brillantes, pero sa kanyang pananalita, parang napakarami nang mga pagsubok sa buhay ang pinagdaanan niya.

Without going into details, nanggaling kay Andrea ang kuwentong naranasan niyang mag-breakdown nang tanungin siya tungkol sa sunud-sunod at magagandang oportunidad na dumarating sa kanya.

Lahad niya, "To be honest, sinabi ko talaga kay Lord, ‘Lord, thank you, pero natatakot ako kasi ang dami Mong ibinibigay. Mamamatay na yata ako.'

"Yun ang sabi ko sa kanya, kasi parang it’s too good to be true.

"Pero parang ilang years ago, lahat ng meron ako ngayon, ipinagdasal ko talaga at pinaghirapan ko talaga na makarating ako dito ngayon.

"Alam ng family ko kung gaano ako naghirap.

"Madami akong breakdowns—sa CR, sa CR ng ABS. Ang dami ko talagang pinagdaanan.

"Kaya ngayon, bawat blessing, tsine-cherish ko talaga at sobra akong nagpapasalamat kay Lord na meron ako nito ngayon.

"At lagi kong sinasabi na hindi ko ito pababayaan at mas lalo ko pang gagalingan, kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagmamahal sa akin at sa lahat ng sumusuporta sa akin."

Continue reading below ↓

GHOSTS IN ABS-CBN?

Ang The Ghosting ang pangalawang horror movie na pinagbidahan ni Andrea ngayong 2019.

Kinunan sa isang haunted house ang mga eksena nina Andrea at Khalil Ramos para sa The Ghosting.

Pero hindi kagaya ng ibang mga artista, hindi nagkaroon ng weird experiences ang young actress habang ginagawa nila ang pelikula.

"Kahit na gala ako sa set, kasi talagang lumang bahay po yung pinag-shootingan namin, wala.

"Parang nag-abang ako, wala talaga. Na-disappoint nga ako, e.

"Kapag nasa set po kami, ang binobola ng staff, ‘Uy, kapag may naramdaman kayo, huwag kayong magsasabi, ha? Matatakot ako,’” kuwento ni Andrea.

Nang hingin ang reaksiyon sa balitang maraming multo sa ABS-CBN, sinabi ni Andrea na tsismis lang ito.

"Puro tsismis po tapos trending siya.

"Noong nasa Goin’ Bulilit ako, kasi puro po bata ang kasama ko doon, so ang gagawin namin kapag gabi na, iikot kami sa ABS, sa mga walang ilaw sa hallway.

Continue reading below ↓

"Wala naman kaming na-experience, nalungkot kami."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes: "Kaya ngayon, bawat blessing, tsine-cherish ko talaga at sobra akong nagpapasalamat kay Lord na meron ako nito ngayon."
PHOTO/S: FM Ganal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results