May switching na nangyari sa GMA-7!

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2019
Bakit nag-switch ang Love You Two at The Better Woman?
PHOTO/S: GMA-7

May “switching" na mangyayari sa dalawang primetime programs ng GMA-7, ang The Better Woman na tinatampukan nina Derek Ramsay at Andrea Torres, at ang Love You Two, ang romantic comedy series na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Sa contract signing ni Jennylyn sa GMA Network Inc. noong July 26, 2019, nabanggit niya na mapapanood hanggang sa September 2019 ang top-rating show nila ni Gabby.

Continue reading below ↓

Hindi sinabi ni Jennylyn ang exact date ng pagwawakas ng Love You Two pero ilang linggo bago ito magpaalam sa telebisyon, nagdesisyon ang Kapuso Network management na ilipat ang show sa timeslot ng The Better Woman.

Simula sa Lunes, August 19, mapapanood ang Love You Two pagkatapos ng Sahaya at ilalagay naman ang The Better Woman sa dating oras ng romantic comedy series nina Jennylyn at Gabby.

Continue reading below ↓

Maliban sa mas pinatindi at pinalakas na GMA Telebabad, walang ibinigay na ibang dahilan ang Kapuso management tungkol sa pasya nila na pagpalitin ang timeslots ng The Better Woman at Love You Two.

Pero may mga natuwa sa late timeslot ng The Better Woman dahil para sa kanila, nangangahulugan ito na mas maiinit na eksena nina Derek at Andrea ang mapapanood nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit nag-switch ang Love You Two at The Better Woman?
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results