James Reid, umalis na sa bakuran ng Viva Films

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2019
James Reid leaves Viva Films after seven years. He will now be managed by his father.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

May mga pagbabagong mangyayari sa career ni James Reid.

Makalipas ang pitong taon, nagpaalam na siya bilang exclusive contract star ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Hindi pa naglalabas ng official statement ang Viva Entertainment tungkol sa desisyon ng kompanya na pakawalan si James, pero mutual decision sa magkabilang-panig ang nangyari.

From now on, ang Australian father ni James na si Robert Malcolm Reid ang mamamahala sa showbiz career ng kanyang anak.

Ang Viva Films at ang Viva Artists Agency ang sumugal kay James noong wala nang nangyayari sa career nito matapos manalo bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash ng ABS-CBN noong 2010.

Nagkaroon ng direksiyon ang acting at music career ni James nang ipagkatiwala sa kanya ng Viva Films ang lead role sa Ang Diary ng Panget, ang blockbuster movie nila ni Nadine Lustre noong April 2014.

Sa tulong ng Viva, kinilala si James bilang isa sa mga bankable matinee idol at nagkasunod-sunod ang kanyang record albums, concerts, product endorsements, movie, at television assignments.

Continue reading below ↓

Nakatutok ngayon ang mga tagasubaybay ni James sa pamamahalang gagawin ng kanyang ama sa showbiz career ng aktor na mas gustong mag-concentrate sa music career niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid leaves Viva Films after seven years. He will now be managed by his father.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results