Judy Ann Santos, gaganap bilang young Mother Lily sa bioflick ng Regal matriarch

by Jojo Gabinete
Aug 19, 2019
Si Judy Ann Santos ang napiling gumanap bilang young Lily Monteverde sa life story ng Regal matriarch.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete

Si Judy Ann Santos ang gaganap na young Lily Monteverde sa life story ng Regal Entertainment matriarch.

Nanggaling ang kumpirmasyon mula kay Erik Matti, ang direktor ng pelikula.

Isang award-winning actress naman ang napipisil ni Matti para gumanap na present-day Mother Lily.

Marami ang may hula na ang Star for All Seasons at Lipa City House Representative Vilma Santos ang aktres na tinutukoy ni Direk Erik, pero ayaw nitong magsalita hanggang hindi natatapos ang negosasyon.

Magsisimula ang shooting ng project na may working title na Mother Lily sa January 2020 kaya siguradong sa susunod na taon na ito maipalalabas sa mga sinehan.

Ngayon August 19 ang 80th birthday ni Mother Lily.

Nagkaroon siya ng grand celebration sa Valencia Events Place pagkatapos ng celebrity screening ng Mina-Anud sa Greenhills Cinema 2.

Nag-umpisa nang mag-interbyu ang research staff ni Direk Erik dahil nakita namin silang nakikipag-usap sa mga bisita ni Mother Lily na malapit sa puso nito at may mga anecdote tungkol sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Direk Erik, malaking proyekto ang Mother Lily dahil sa dami ng cast.

Hindi raw puwedeng mawala sa kuwento ng pelikula ang mga Regal baby na pinasikat ng movie company ni Mother Lily gaya nina Maricel Soriano, Snooky Serna, Gabby Concepcion, Albert Martinez, William Martinez, at marami pang iba.

Sinabi rin ni Direk Erik na mapapanood sa bioflick ni Mother Lily ang love life nito at ang pagiging nanay ng movie producer na malaki ang kontribusyon sa Philippine movie industry.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Judy Ann Santos ang napiling gumanap bilang young Lily Monteverde sa life story ng Regal matriarch.
PHOTO/S: Instagram / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results