Lovi Poe, iba ang career kung nabubuhay pa ang amang si FPJ

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2019
Lovi Poe on late dad Fernando Poe Jr.: "It’s just nice to have someone up there guiding us here."
PHOTO/S: File photo / Instagram

Ginugunita ngayong Martes, August 20, ng mga nagmamahal kay Fernando Poe Jr. ang 80th birth anniversary ng King of Philippine Movies.

Mula nang pumanaw si FPJ noong December 14, 2004, naging tradisyon ng kanyang pamilya na magdaos ng misa sa puntod niya sa Manila North Cemetery tuwing August 20.

Bilang paggunita sa 80th birth anniversary ni FPJ, namahagi si Susan Roces at ang anak nitong si Senator Grace Poe ng mga grocery at laruan sa mga kababayan nating mahihirap na nagsadya ngayong umaga sa Manila North Cemetery.

Continue reading below ↓

Sa interbyu naman ng Cabinet Files kay Lovi Poe, sinabi nitong may plano siyang dumalaw sa puntod ng kanyang sumakabilang-buhay na ama.

"Of course, I wanna visit Papa’s puntod kasi medyo matagal na rin akong hindi nakakapunta doon, I would say a little prayer for him," sabi ni Lovi.

Naniniwala ang aktres na posibleng iba ang career na tinatahak niya ngayon kung nabubuhay pa ang kanyang ama.

"Napag-usapan na rin namin ito ng kaibigan ko na parang maybe things would have been different if he was still alive.

"Things maybe different but, I guess, I’m just happy where I am now.

"Even if he’s not here, I’m sure and I know that he’s guiding me, my sister [Grace Poe], my brother [Ronian Poe]... everyone, Tita Susan.

"It’s just nice to have someone up there guiding us here."

Kung hindi naging artista si Lovi, malaki ang posibilidad na psychiatrist siya ngayon dahil noon pa man, ito ang kanyang pangarap.

Continue reading below ↓

Malakas na tawa ang reaksiyon ni Lovi nang sabihin namin na kung ipagpapatuloy niya ang pag-aaral at magiging psychiatrist siya, marami sa mga showbiz personality ang kanyang matutulungan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on late dad Fernando Poe Jr.: "It’s just nice to have someone up there guiding us here."
PHOTO/S: File photo / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results