Janitress, nagsalita na tungkol sa kumprontasyon nila ni Gretchen Diez

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2019
Hindi itinanggi ng janitress na si Chayra Ganal na tinakpan niya ng kanyang kamay ang hawak na cellphone camera ni Gretchen Diez (nasa larawan) habang nasa administration office sila at nakapagbitaw siya ng salitang "May uten ka pa rin, tandaan mo ‘yan."
PHOTO/S: Facebook

Inamin ng Farmer’s Plaza mall janitress na si Chayra Ganal na uminit ang ulo niya nang i-video ng transwoman na si Gretchen Diez ang kanilang pag-uusap sa insidente na nangyari noong August 13, 2019.

Tumutugma ang mga pahayag ng 25-year-old janitress sa mga napanood ni Senate President Tito Sotto sa CCTV footage na ibinigay sa kanya ng mall management para gamitin sa imbestigasyon.

Hindi itinanggi ni Ganal na tinakpan niya ng kanyang kamay ang hawak na cellphone camera ni Diez habang nasa administration office sila at nakapagbitaw siya ng salitang "May uten ka pa rin, tandaan mo ‘yan."

Hindi naman kumpleto ang mga pahayag ni Diez dahil hindi nito sinabing siya ang unang nagsalita kay Ganal na sisikat ito sa kanyang Facebook Live video.

Wala rin sa kuwento ni Diez ang rebelasyon ni Ganal na may sinikong buntis na janitress si Diez dahil sa kanyang pagtangging i-delete ang video at nang dalhin siya sa administration office ng mall.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa pahayag ni Ganal ang pagsigaw sa kanya ng "Shut up!" ni Bataan House Representative Geraldine Roman nang subukan niyang magpaliwanag.

Sa panayam kay Ganal ng Pressone.ph, isiniwalat niyang pinagsabihan siya ni Roman ng "Wala kang karapatang saktan ang LGBT."

Kahit suportado si Diez ng LGBTQIA+, may mga miyembro ng community ang hindi kampi sa kanya.

Sa tuwing may mga kababaihang biktima ng pang-aabuso, lalupa’t sikat na personalidad ang sangkot, mabilis na nagpapakita ng suporta ang mga organisasyon ng kababaihan tulad ng GABRIELA, kaya nakakapanibago na walang sumusuporta kay Ganal.

Instead, magkatulong na nag-file ng joint resolution sina Roman at GABRIELA party-list Representative Arlene Brosas para imbestigahan ang harrassment na ginawa kay Diez.

Para kay Brosas, isang malinaw na discrimination laban sa lesbian, gay, bisexual, at transgender ang naranasan ni Diez.

Bukod sa netizens na nakikisimpatiya kay Diez at sa mga kakabaihang hindi pabor na gamitin ng transwomen ang women’s comfort room alang-alang sa kanilang kaligtasan, ang The Federation of Free Workers ang tanging nagtatanggol kay Ganal.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi itinanggi ng janitress na si Chayra Ganal na tinakpan niya ng kanyang kamay ang hawak na cellphone camera ni Gretchen Diez (nasa larawan) habang nasa administration office sila at nakapagbitaw siya ng salitang "May uten ka pa rin, tandaan mo ‘yan."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results