Anne Curtis vs Dennis Trillo sa box office: Sino ang magwawagi?

by Jojo Gabinete
Aug 21, 2019

Masaya ang mga executive ng Viva Films dahil humahataw sa takilya ang Just A Stranger, ang sexy drama movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao na nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, August 21.

Holiday ngayon sa Pilipinas dahil sa paggunita sa death anniversary ni former Senator Benigno Aquino Jr. at nakatulong ito sa box-office success ng Just A Stranger.

Nagkaroon ng panahon ang publikong manood ng sine dahil naintriga sila sa word of mouth na maganda ang Just A Stranger at sobrang erotic ang mga love scene nina Anne at Marco.

Marami ang nagulat sa pagpayag ni Anne na dilaan ni Marco ang isang bahagi ng kanyang katawan, pero seksing-seksi ito sa paningin ng mga nakapanood ng pelikula.

Continue reading below ↓

Naaliw rin ang audience sa panunukso ng karakter ni Marco tungkol sa agwat ng edad nila ng role na ginampanan ni Anne.

Sa isang eksena, tinawag niyang "thunder" si Mae (pangalan ni Anne sa pelikula), na nakapagpatawa nang malakas sa manonood.

Napansin din sa Just A Stranger ang performance ni Josef Elizalde.

Hindi puwedeng ma-ignore si Josef na gumanap na pari dahil mahaba at importante sa kuwento ng pelikula ang partisipasyon niya.

DENNIS VS ANNE SA BOX OFFICE

Hindi lamang ang Just A Stranger ang nagbukas sa mga sinehan ngayong araw.

Palabas din ang Mina-Anud ng Regal Entertainment, Inc. at ang Hollywood movie na Angel Has Fallen.

Si Dennis Trillo ang lead actor ng Mina-Anud at siya ang kapareha ni Anne sa 2016 romantic-comedy movie na Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?

Continue reading below ↓

Alam ni Dennis na magkalaban sa box-office ang mga pelikula nila ni Anne, pero hindi ito isyu sa kanya.

"Maraming lumalabas na quality movies, maraming options ang mga tao kung ano ang gusto nila na panoorin.

"Yung mga pelikula namin, magkaiba naman, different stories, mamimili na lang sila kung ano ang kanilang gustong panoorin,” pahayag ni Dennis.

Umaasang tatangkilikin ng moviegoers ang Mina-Anud at ang Just A Stranger na parehong binigyan ng R-16 classification ng MTRCB.

On the other hand, ang sister company ng Viva Films, ang Viva International Pictures, ang nag-release sa Philippine cinemas ng Angel Has Fallen.

Ito ang third instalment ng blockbuster action franchise tungkol sa exploits ng Secret Service na si Mike Banning, ang karakter na pinasikat ni Gerard Butler.

Continue reading below ↓

Hindi madidismaya ang mga mahihilig sa action movies kapag pinanood nila ang Angel Has Fallen dahil sa malalaking action at blasting scenes.

Walang ipinagkaiba si Banning sa mga Marvel superhero dahil nalampasan niya ang lahat ng mga pagtatangka sa kanyang buhay kaya parang immortal na siya.

Sinuportahan ng Filipino moviegoers ang Olympus Has Fallen at London Has Fallen nang ipalabas sa Philippine theaters noong 2013 at 2016, respectively, kaya inaasahang magiging mainit din ang pagtanggap nila sa Angel Has Fallen.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results