Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, hosts ng The Clash Season 2

by Jojo Gabinete
Aug 21, 2019
PHOTO/S: Bolichie Suzara / Noel Orsal

Ang pangalan ni Alden Richards ang napabalitang magiging host ng Season 2 ng The Clash, ang reality talent competition ng GMA-7 na magbabalik sa telebisyon sa September 2019.

Si Regine Velasquez ang unang Clash Master sa Season 1 ng The Clash, pero lumipat na siya sa ABS-CBN kaya nagkaroon ng balitang si Alden ang ipapalit sa kanya.

Hindi na matutuloy ang participation ni Alden sa The Clash dahil ang latest update, sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang mga bagong Clash Master ng programa.

Mananatili namang judges ng The Clash sina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Malapit nang magsimula ang taping ng mga host, judges, clashmates, at contestants ng Season 2 ng The Clash.

Madalas namang nakikita sa GMA-7 compound ang The Voice of the Philippines Season 2 finalist na si Bradley Holmes kaya may mga haka-hakang isa siya sa mga contestant ng Season 2 ng The Clash.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Bolichie Suzara / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results