Ex-Mayor Antonio Sanchez na nakulong dahil sa rape at double murder, mapapalaya dahil sa "good conduct"

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2019
Ex-Mayor Antonio Sanchez na guilty ng Sarmento-Gomez rape-slay, mapapalaya dahil sa umano'y good conduct sa kulungan.
PHOTO/S: Screengrab from Crime Klasik / Humanda Ka Mayor! poster

Magkahalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman ng maraming Pilipino dahil sa balita tungkol sa nalalapit na paglaya ni former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Siya ang utak sa panggagahasa at pang-aabuso sa University of the Philippines Los Baños student na si Eileen Sarmenta noong June 28, 1993.

Kasama rin sa ipinapatay ni Sanchez ang kasintahan ni Sarmenta na si Allan Gomez.

May mga pulis na sangkot sa karumal-dumal na krimen dahil sila ang dumukot kay Sarmenta, na "iniregalo" nila kay Sanchez.

Matapos pagsamantalahan ang biktima, ipinaubaya ito ni Sanchez sa anim na kalalakihan na dumukot sa dalaga, na paulit-ulit siyang ginahasa bago binaril sa mukha.

Seven terms of reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang parusang ipinataw ng korte kay Sanchez noong March 14, 1995.

Dahil may ibang kaso pa si Sanchez, umabot sa 360 years ang parusa para sa mga krimen niya.

Noong Martes, August 20, 2019, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevara na kabilang si Sanchez sa mahigit sa 11,000 preso na malapit nang palayain dahil sa pagpapakita ng magandang asal sa loob ng bilangguan.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, lumakas ang panawagang huwag hayaang makalabas ng kulungan ang kontrobersiyal na dating alkalde, na makikinabang sa Article 97 ng Republic Act 10592—o The Law that Increased the Good Conduct Time Allowance Given to Inmates.

Base sa Article 97 ng RA 10592, ang allowance for good conduct ay may sumusunod na probisyon:

"The good conduct of any offender qualified for credit for preventive imprisonment pursuant to Article 29 of this Code, or of any convicted prisoner in any penal institution, rehabilitation or detention center or any other local jail shall entitle him to the following deductions from the period of his sentence:

"1. During the first two years of imprisonment, he shall be allowed a deduction of twenty days for each month of good behavior during detention;

"2. During the third to the fifth year, inclusive, of his imprisonment, he shall be allowed a reduction of twenty-three days for each month of good behavior during detention;

Continue reading below ↓

"3. During the following years until the tenth year, inclusive, of his imprisonment, he shall be allowed a deduction of twenty-five days for each month of good behavior during detention;

"4. During the eleventh and successive years of his imprisonment, he shall be allowed a deduction of thirty days for each month of good behavior during detention; and

"5. At any time during the period of imprisonment, he shall be allowed another deduction of fifteen days, in addition to numbers one to four hereof, for each month of study, teaching or mentoring service time rendered.

"An appeal by the accused shall not deprive him of entitlement to the above allowances for good conduct."

Nagkakaisa ang maraming Pilipino sa kanilang paniniwala na kahit nagpakita si Sanchez ng kagandahang-asal at kabutihan sa 24 na taong pagkakapiit mula noong 1995, hindi ito sapat na dahilan para mapagbayaran ang heinous crime na ginawa niya kina Sarmenta at Gomez.

Continue reading below ↓

Sa mga interview sa ina ng Eileen na si Mrs. Ma. Clara Sarmenta, hindi nito napigilan ang pagluha dahil muli raw nadagdagan ang sakit na nararamdaman ng kalooban niya dahil sa nalalapit na paglaya ng killer ng kanyang anak.

Nangako si Mrs. Sarmenta na gagawin ang lahat ng paraan para hindi matuloy ang paglabas ni Sanchez mula sa kulungan.

Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang sambayanang Pilipino sa kanyang panawagan.

Nadamay naman si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa galit ng ating mga kababayan dahil sa kanyang pahayag na dapat bigyan ng second chance si Sanchez.

Isang celebrated case noong dekada '90 ang hindi makataong pang-aabuso at pagpaslang ni Sanchez kina Sarmenta at Gomez, na naging inspirasyon ni Carlo J. Caparas para gawin nito ang pelikulang Humanda Ka Mayor! (Bahala Na ang Diyos), na pinagbidahan nina Aga Muhlach at Kris Aquino.

Si Dick Israel ang gumanap na Miguel Beltran, ang rapist/killer mayor sa pelikula, na joint production venture ng Golden Lion Films at Regal Films at ipinalabas sa mga sinehan noong November 15, 1993.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-Mayor Antonio Sanchez na guilty ng Sarmento-Gomez rape-slay, mapapalaya dahil sa umano'y good conduct sa kulungan.
PHOTO/S: Screengrab from Crime Klasik / Humanda Ka Mayor! poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results