Prince Stefan, nagsalita na tungkol sa botched nose job

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2019
Prince Stefan, naengganyong magparetoke ng ilong noon dahil sa mayamang ex-boyfriend.
PHOTO/S: Instagram

Ang matuto ang lahat mula sa kanyang personal na karanasan ang dahilan kaya pagkatapos ng matagal na pagmumuni-muni, nagpasya si Prince Stefan na magsalita tungkol sa botched nose job sa kanya.

Twenty-two years old si Prince nang makumbinsi siya noon ng kanyang wealthy ex-boyfriend na magpaayos ng ilong.

Masyado raw kasing Arabo ang hitsura ng aktor na hindi naman nakapagtataka bilang Arabo talaga ang estranged biological father niya.

Dahil bata at kahit labag sa kalooban niya, napapayag si Prince ng dating karelasyon na iparetoke ang kanyang ilong noong 2013.

Ang auricle cartilage mula sa tenga ni Prince ang ginamit para mag-iba ang hugis ng ilong niya.

Noong una, satisfied si Prince sa resulta ng rhinoplasty surgery sa kanya.

Pero habang tumatagal, may napansin siyang pagbabago dahil parang bumabagsak ang matangos na ilong niya.

Nang hindi na siya komportable sa hugis ng kanyang ilong, pinaturukan ito ni Prince ng fillers noong 2016 dahil sa pag-asa at akalang babalik sa normal ang hitsura niya.

Continue reading below ↓

Unfortunately, iba ang nangyari dahil noong nakaraang taon, nagkaroon ng butas ang ilong ni Prince na resulta ng fillers na nagdulot ng impeksyon.

Mula noon, sa tuwing lumalabas ng bahay at kapag may mga taping o shooting si Prince, nilalagyan niya ng make up ang kanyang ilong para matakpan at hindi mahalata ang butas na naperhuwisyo ng fillers.

Ito ang kuwento ni Prince:

“To be honest, naengganyo lang ako ng dati kong boyfriend to endorse his surgeon friend’s new clinic kaya ipinaayos ko ang nose and chin ko, not that I really need na magpaayos.

"But as time passes by, nag-deteriorate ang ilong ko kaya I decided na paturukan ng fillers sa ibang friend ko na doktor.

"Akala ko, magiging okey na, pero lalo pang lumala.

"Hindi hiyang sa akin yung fillers kaya nag-create ito ng infection, redness, and swelling na nahirapan ako na i-cover even in tapings or shootings kaya I feel the need na ipaayos uli ang ilong ko.

Continue reading below ↓

“Now, very skeptical na ako because of what happened kaya naghanap ako ng magaling na nose surgeon.

"Luckily, my very good friend Paolo Ballesteros, referred me to Dr. Eric Yapjuangco ng The Icon Clinic.

"I am really glad, I found someone like Dr. Yapjuangco. I am confident na maaayos niya ang problema ko."

Anytime soon, muling sasailalim sa rhinoplasty and chin procedure para maayos na ang kanyang matagal na problema.

Ang makuntento sa ating hitsura o kung talagang gustong maging maganda ang physical appearance, ang humanap ng magaling na cosmetic surgeon ang payo ni Prince sa lahat para hindi na maranasan ng ibang mga tao ang nangyari sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
Prince Stefan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prince Stefan, naengganyong magparetoke ng ilong noon dahil sa mayamang ex-boyfriend.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results