Pamangkin ni Bernadette Allyson, wagi sa Circle of 10 2019

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2019
Seryoso si Juan Miguel Tinoco sa pangarap niyang masundan ang yapak sa showbiz ng kanyang Tita Bernadette Allyson at ng asawa nitong si Gary Estrada.
PHOTO/S: Faces Philippines Facebook

Ang 18-year-old nephew ni Bernadette Allyson na si Juan Miguel Gutierrez Tinoco ang big winner sa Circle of 10 2019, ang model search ng Philippine AdFaces na ginanap noong August 19 sa Music Museum.

Juami Gutierrez ang screen name na ginagamit ng aspiring actor-nephew ni Bernadette.

Varsity player siya sa La Salle Zobel at may koneksiyon sa Gutierrez showbiz clan.

Former commercial model ang nanay ni Juami na si Nestle Gutierrez at kapatid naman ni Bernadette ang kanyang ama na si Raymund Tinoco.

Bukod sa Circle of 10 grand title na kanyang napanalunan, si Juami ang tumanggap ng Mr. Friendship at Mr. Nix Institute special awards.

Continue reading below ↓

Seryoso si Juami sa pangarap nitong masundan ang yapak sa showbiz ng kanyang Tita Bernadette at ng asawa nitong si Gary Estrada.

Nagkaroon si Juami ng special participation sa Sons of Nanay Sabel, ang pelikula ni Ai-Ai delas Alas.

Siya ang leading man sa upcoming music video ng "Nag-iisang Muli," ang bagong single ng Cup of Joe band.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seryoso si Juan Miguel Tinoco sa pangarap niyang masundan ang yapak sa showbiz ng kanyang Tita Bernadette Allyson at ng asawa nitong si Gary Estrada.
PHOTO/S: Faces Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results