Senator Bato dela Rosa, di nakakatawa ang sinabing "changed man" na si ex-Mayor Antonio Sanchez

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2019
Napikon si Senator Bato dela Rosa sa komento na narinig niya mula sa isang student leader kahapon.
PHOTO/S: Noel Orsal

Diez. Janitress. Sanchez.

Magkaka-ryhme ang mga apelyido at trabaho ng mga personalidad na sangkot sa mga magkakasunod na isyung pumukaw sa interes ng mamamayang Pilipino.

Pati ang mga showbiz personality, hindi nagpahuli dahil nagbigay rin sila ng opinyon tungkol sa mga kaso ng janitress, nina Diez at Sanchez.

Ang balita tungkol sa nalalapit na pagpapalaya kay former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez ang dahilan kaya natabunan ang isyu tungkol sa trans woman na si Gretchen Diez at sa mga ipinaglalaban nito.

May mali sa mga sinasabi ng mga nakikisimpatiya kay Diez na nananawagan na magkaroon ng "third restroom" para sa mga transgender.

Imbes na third restroom, fourth restroom ang dapat na sabihin nila dahil ang mga restroom para sa PWDs ang itinuturing na third restroom.

Pero nasapawan nga ang Diez brouhaha ng Sanchez controversy dahil ito na ang hot topic sa buong Pilipinas.

Noong araw, kapag corny ang mga biro ng isang tao, sinasabihan sila ng "Nagpapatawa ka, hindi ka naman kalbo!"

Continue reading below ↓

Ngayon, kalbo na ang nagpapatawa, pero hindi pa rin naaaliw sa kanya ang mga tao.

Ito ay si Senator Ronald "Bato" dela Rosa.

Nagpa-cute si Dela Rosa sa kanyang pahayag na "changed man" na si Sanchez dahil "May hawak na Bibliya palagi, nakapalda, naka-lipstick."

Alam ni Dela Rosa na bayolente ang reaksiyon ng Sambayanang Pilipino dahil sa kanyang sinabi na dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang murderer na mayor dahil nagbago na ito.

Sinubukan ni Dela Rosa na pagaanin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagsasabing nagsusuot ng palda at gumagamit na ng lipstick si Sanchez.

Pero hindi umubra ang pagiging trying-hard comedian niya.

Sa Senate hearing tungkol sa mandatory military training sa mga school o pagbabalik ng ROTC kahapon, August 22, napikon si Bato sa binitawang salita ni Raoul Manuel, ang presidente ng National Union of Students of the Philippines.

Nagpanting ang tenga ni Dela Rosa sa sinabi ni Manuel na, "Lalo na if we have a senator who will say na okay lang na makalaya at may second chance ang isang rapist na mayor habang ang mahihirap ay madaling tokhangin na lamang."

Continue reading below ↓

Sagot dito ni Dela Rosa, "Ang layo naman ng sinasabi mo, Mister! Kasama ba 'yan dito sa hearing yung comment mo na yun?"

Napikon si Dela Rosa sa komento na narinig niya mula kay Manuel.

Pero kung magmumuni-muni siyangmabuti, mas nakakapikon at insensitive ang kanyang reaksiyon na dapat mabigyan ng pangalawang pagkakataon si Sanchez.

Naging insensitive si Dela Rosa sa naulilang pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez, na siguradong hindi na bumalik ang normal na pamumuhay dahil sa heinous crime na ginawa ni Sanchez sa kanilang mga mahal sa buhay.

Napikon kay Dela Rosa ang maraming Pilipino, pati na ang mga taong bumoto sa kanya kaya nahalal siyang senador noong May 2019, dahil hindi nila inaasahang hindi bato ang puso niya para sa mga mamamatay-tao at rapist.

Kahit hinatulan si Sanchez ng habambuhay na pagkabilanggo, mahirap paniwalaang nakamit na nina Sarmenta at Gomez ang hustisya dahil sa karumal-dumal at karima-rimarim na krimen na ginawa sa kanila ni Sanchez at ng mga tauhan nito.

Continue reading below ↓

Dahil sa isyu ng planong pagpapalaya kay Sanchez, muling inilabas ang report at kumpletong detalye ng panggagahasa kay Sarmenta at ang paraan ng pagpaslang kay Gomez.

Galit sa dibdib ang umiiral sa maraming Pilipino at sa mga kabataang paslit pa lamang nang mangyari ang krimen noong June 28, 1993.

Kahit nasa kabilang buhay na si Sarmenta, parang paulit-ulit pa rin siyang nilalapastangan dahil sa muling paglabas ng detalyadong report tungkol sa pang-aabuso at pagpatay sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napikon si Senator Bato dela Rosa sa komento na narinig niya mula sa isang student leader kahapon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results