Marco Gumabao, nag-volunteer magkaroon ng butt exposure sa Just A Stranger

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagpapasalamat si Marco Gumabao sa lahat ng mga tumangkilik sa Just A Stranger dahil natupad ang kanyang 25th birthday wish noong August 14, 2019.

Ito ay maging certified blockbuster ang sexy-drama movie nila ni Anne Curtis.

Nadagdagan ang ligaya na nararamdaman ni Marco dahil pinupuri ng film critics ang performance niya sa Just A Stranger na isang malaking karangalan dahil ngayon pa lamang siya nagbida sa pelikula.

"Nag-workshop kami ni Direk Jason Paul Laxamana nang one-on-one.

"I think we did that for three times so lahat ng major scenes, lahat yun pinraktis na namin.

"Pinag-usapan namin kung paanong atake ang gusto niya na gawin ko.

"Pinakanahirapan ako na eksena, yung sa breakdown scene namin ni Anne, yung nag-aaway kami.

"Yung karakter ko sa Just A Stranger, 19 years old ako.

"Paano ako iiyak as a 19-year-old? Hindi ako puwedeng umiyak as my age.

"Kailangan ko na gawin na may pagka-childish, yung halatang bata itong tao na 'to.

Continue reading below ↓

"Yun ang pinaka-challenge.

"Kaya ko na umiyak, madaling umiyak, pero how can you cry looking your age for the movie?"

Tungkol naman sa kanyang performance sa Just A Stranger at ang malakas na on-screen chemistry nila ni Anne, "I’m so happy to hear na malakas ang chemistry namin ni Anne.

"Kami ni Anne, we focused on forming our chemistry off-screen para pagdating sa on-screen, natural na natural talaga."

Nang tanungin tungkol sa kanyang butt exposure sa Just A Stranger, ipinagtapat ni Marco sa Cabinet Files na nanggaling sa kanya ang suggestion na gawin ang naturang eksena.

"Honestly, ako ang nag-suggest.

"Siyempre, down the road, ito naman yung path o pagiging hunk actor na tinatahak ko na landas.

"So, in the future, magpapakita rin ako ng butt, whether I like it or not.

"For me, ito yung best project, first of all, ito yung launching movie ko as a leading man, kasama pa si Miss Anne Curtis, napakaganda ng material.

Continue reading below ↓

"So for me, kawalan ko if hindi ko pa dito ibibigay."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results