Mr. World 2019 sidelights: Sino ang crowd favorites at sino ang naglabas ng rosary sa stage?

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2019
Si Jack Heslewood ng England ang itinanghal na Mr. World 2019
PHOTO/S: Mr World Facebook

Sina Mr. Philippines Jody Baines Saliba, Mr. Mexico Brian Faugier, at Mr. England Jack Heslewood ang mga crowd favorite sa grand finals ng 10th edition ng Mister World.

Ginanap ito sa Smart Araneta Coliseum, Araneta Center, Cubao, Quezon City, kagabi, August 23.

Hindi man nanalo si Saliba, siya ang Continental Zone winner sa Asia & Oceania na pampalubag-loob award para sa mga Pilipino na umasang magkakaroon siya ng puwesto sa sinalihang male pageant.

Continue reading below ↓

Naging paborito rin ng manonood si Mr. Austria Alberto Nodale na hinirang bilang Europe Continental Zone winner.

May Filipino blood si Nodale dahil mula sa Los Baños, Laguna ang kanyang ina.

View this post on Instagram

???????????? ???? MISTER WORLD EUROPE & TOP 12 CANDIDAT3 AT Mister World!!! I can't believe what just happened!! Thank you so SO much for your unreal support! At Mister World there are continental awards for the strongest candidate from each continent! When I was announced for Europe I couldn't believe it ???????????????? Proud I could represent my home country Austria and achieve this incredible title! ???????????????????? More from all this soon! Now it's time to celebrate with all the great boys aka. Mister Worlds! Also congrats to England for taking the overall title! Thanks to @missaustriacorporation for making this possible!! #MISTERWORLDEUROPE #misterworld #misterworld2019 #philippines #manila #pageant #malepageant #happy #smile #win #enjoy #sash

A post shared by Alberto Nodale (@albertonodale) on

Deserving manalo si Heslewood ng Mister World 2019 title.

Pero may mga komentong nagwagi siya dahil kababayan niya ang creator ng contest, si Eric Morley at ang misis nitong si Julia Morley, ang current president ng Miss World Organization na matatagpuan sa London ang headquarters.

MR. BRAZIL, THE PRAYERFUL

Standout sa 72 official candidates si Mr. Brazil, ang aktor na si Carlos Franco na Top 5 finalist at umagaw ng atensiyon ng lahat dahil sa pagdarasal niya bago nagsimula ang question-and-answer portion.

Nakunan ng Cabinet Files ng video ang paglalabas ni Franco ng Holy Rosary na nakalagay sa inside pocket ng kanyang suit, ang pagdarasal niya, at pagtingala sa itaas na akto na nakikipag-usap siya sa Diyos.

Si Miss World 2013 Megan Young ang host ng coronation night ng Mister World at siya ang nagtanong kay Franco ng final question mula sa isang Filipino viewer.

Continue reading below ↓

“What is your greatest wish for the world and why?” ang tanong para kay Franco.

Sagot ng contestant mula sa Brazil: "At this moment, my wish for the world is pray for the Amazonian. We really need that. Please pray for the Amazonian."

Continue reading below ↓

May kinalaman ang sagot ni Franco sa sunog na nangyayari sa rainforest ng Amazonas, ang largest state sa Brazil, kaya nagdeklara na ng state of emergency sa naturang lugar ang pamahalaan.

Unfortunately, hindi nakatulong ang kanyang very timely answer para makuha niya ang boto ng mga hurado na kinabibilangan nina Korina Sanchez, Miss World 2018 Vanessa Ponce, at ng businessman na si Ben Chan.

EMOTIONAL MOMENT

May special participation sa finale night ng Mr. World 2019 ang mga kabataan mula sa Tuloy Foundation, na isa sa mga beneficiary ng Miss World Organization.

Hindi napigilan ng ilang Mr. World candidates na maging emosyonal nang kantahin nila ang "You Raise Me Up" habang lumalabas mula sa backstage ang mga batang tinutulungan ng Tuloy Foundation, Inc.

May mga napaluha at may isang black candidate na parang dumalo sa isang prayer meeting dahil masyadong ginalingan ang pagsasapuso niya sa lyrics ng popular song ni Josh Groban.

Continue reading below ↓

Ang pagiging pasaway at makulit ng Filipino audience sa Smart Araneta Coliseum ang nakadagdag-saya at ingay sa Mister World 2019 dahil kahit ongoing ang presentation, hinaharang nila ang mga kandidato para makipag-selfie photo sa kanila.

May mga burly marshal sa paligid ng stage, pero wala silang nagawa sa kapangyarihan ng excited audience.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Jack Heslewood ng England ang itinanghal na Mr. World 2019
PHOTO/S: Mr World Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results