Allen Ansay, desididong ituloy ang pag-aartista kahit matalo sa StarStruck

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2019
Allen Ansay: "Kapag hindi po ako nanalo, itutuloy ko pa rin kasi ngayon, marami na akong natutunan, kahit walang workshop."
PHOTO/S: Mark Atienza

Ang 16-year-old na si Allen Ansay ang isa sa mga pinakabatang contestant sa Season 7 ng StarStruck.

Nagmula sa Bicol si Allen at isa siya sa mga pinalad na kasali sa Top 6 contenders ng reality-based artista search ng GMA-7.

Win or lose, plano ni Allen na ipagpatuloy ang pag-aartista dahil nagustuhan na niya ang mga ginagawa na malayong-malayo sa kanyang kinagisnan sa Bicol.

"Masayang-masaya po ako kasi marami kaming natututunan paisa-isa—yung comedy, acting, 'tapos action. Masayang-masaya po ako.

"Kapag hindi po ako nanalo, itutuloy ko pa rin kasi ngayon, marami na akong natutunan, kahit walang workshop," sabi ni Allen nang makausap siya ng Cabinet Files.

"Matagal na po nang ma-realize ko na gusto ko na maging artista.

"Dati, nanonood lang po ako ng TV 'tapos iniisip ko one time na, 'Maging ganito [artista] rin kaya ako?

"Dati po sa bahay, pagkagaling ko sa school, naglalaro lang ako ng basketball, nagbabantay ako sa tindahan, tulog na naman,” sagot ni Allen nang aming itanong kung kailan siya nagkaroon siya ng interes na pumasok sa entertainment industry.

Continue reading below ↓

Taglay pa rin ni Allen ang pagiging probinsyano na ipinagmamalaki niya at hanggang ngayon, hindi siya makapaniwalang natupad na ang kanyang pangarap na mapanood ang sarili sa TV.

Muling pinasalamatan ni Allen ang lahat ng kanyang mga kababayan sa Bicol at supporters dahil mataas ang text votes na natanggap niya sa August 25 edition ng StarStruck.

"Maraming-maraming salamat po ulit sa lahat po ng tumulong at sumuporta sa akin, lalung-lalo na po sa voting po at sa lahat-lahat ng mga Bicolano at Bicolana.

"Mga ka-Uragon, maraming salamat po saindong gabos po diyos mabalos po.

"Sa lahat lahat din po ng tumulong po, God bless po, at pangako ko po, lagi kong gagalingan po sa lahat po ng mga darating na challenge. Salamat po."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Ansay: "Kapag hindi po ako nanalo, itutuloy ko pa rin kasi ngayon, marami na akong natutunan, kahit walang workshop."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results